Grace Lee nagdemanda matapos ibenta ang pag-aaring resto, buyer ayaw daw magbayad ng utang
DUMULOG sa Makati Prosecutors Office ang film distributor at dating TV host na si Grace Lee para sampahan ng kaso ang dalawang negosyante na umano’y may malaking pagkakautang sa kanya.
Kasama ang kanyang mga abogadong sina Atty. Garreth Tungol, Atty. Sarah Francisco at Atty. Gabriel Ilaya, naghain ng kasong “estafa and other deceits under Art. 318, par. 1(a) of the Revised Penal Code, si Grace kay Assistant City Prosecutor na si Rafael Esguerra laban kina Morgan Say at April Tena, nitong nagdaang Biyernes ng hapon, August 4 sa Makati Prosecutors Office.
Ayon kay Grace, nagdesisyon na siyang magdemanda matapos ang mahabang panahong pakikipag-ugnayan sa kampo nina Say at Tena upang panagutin ang mga ito at mabayaran ang pagkakautang sa kanya.
Kuwento ni Grace sa ilang members ng media, ilang beses na silang nakipag-ugnayan sa mga kinasuhang negosyante para pag-usapan ang kanilang problema. Siya pa raw mismo ang nag-reach out sa mga ito.
View this post on Instagram
Pagbabahagi ni Grace, una niyang nakilala ang mga nabanggit na negosyante sa pamamagitan ng kanyang mga staff dahil regular customer daw ito sa dati niyang restaurant, ang Sumdimsum.
“They were very, very nice people naman, and I trusted them completely. So, I learned my lesson the hard way. Sila talaga ang lumapit sa akin, and maayos naman.
“Then they told me, they wanted to purchase the restaurant. So du’n ko sila nakilala at doon nagsimula ang aming negosasyon,” sabi pa ni Grace.
Nu’ng una ay ayaw daw talaga niyang ipagbili ang masabing resto, pero talagang mapilit daw ang mga sinampahan ng kaso at nagbigay ng kung anu-anong offer para lang mapapayag siya.
Baka Bet Mo: Grace Poe apektado rin sa pagtatapos ng ‘Probinsyano’; nagpasalamat sa mga nagmamahal kina FPJ at Susan
Hanggang sa napagdesisyunan na nga niya na ibenta ang nasabing property sa mag-ama dahil na-feel niya na mas mapapalago pa ng mga ito ang resto. Ito rin daw yung panahon na napakarami na niyang inaasikasong ibang negosyo.
Ngunit sa kasamaang-palad hindi umano natupad ng mga inasunto ang pangako nilang kabayaran sa nabiling ari-arian.
“Ilang beses na akong nag-reach out sa kanila, pati yung mga tao namin. Numerous times talaga na kinausap sila nang maayos but parang they were not willing to negotiate and they did not respond to us kaya humiling na ako ng tulong kina Atty. Garreth.
“I was not really looking into selling the business, sila yung lumapit. It just came to a point wherein they are no longer willing to fulfill their end of the deal and it’s been six months since the deadline.
“So, isipin n’yo yung six months na yan was very, very stressful for me also and my staff so week the best counsel that I could get,” paliwanag pa ng dating news anchor.
View this post on Instagram
Ayon pa sa kampo ni Grace, “Despite repeated verbal and written demands, they refused to settle their outstanding obligation, indicating that his true intent from the onset was solely to deceive our client and the stockholders, to acquire the companies.”
Sa tanong kung magkano ang halagang hinahabol nila, sabi ni Atty. Garreth, “The claim here is immaterial to us, it’s the fraud that we’re going after. The claim can always be earned back, kikitain natin yan.
“But when it comes to criminal case, our focus really is to vindicate our client here against the fraud committed against her,” sabi pa ng abogado.
Bukas naman daw ang kampo ng dating TV host at film distributor sakaling nais makipag-usap o makipag-ayos ang kabilang kampo.
Wala pang inilalabas na official statement ang mga taong inireklamo ni Grace Lee. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at paliwanag ng mga taong involved sa naturang kaso. Pinipilit pa rin ng BANDERA na makipag-ugnayan sa kanila upang hingan ng pahayag sa ngalan ng balanseng pamamahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.