GRACE LEE mali-mali ang ‘opinyon’ tungkol kay DAIANA MENEZES
Napakaraming nagtatanong sa amin kung bakit kahit minsan daw ay hindi namin tinalakay sa aming mga kolum ang kontrobersiyang pinasukan ng Brazilian model na si Daiana Menezes.Sabi pa ng hitad naming sister na si Sonia Francisco, “Ano ba, nagkabugbugan na raw sila ng dyowa niya, bakit ayaw mo pa ring pakisakyan ang mga ikinukuda ni Daiana?
Gusto kong mabasa ang opinyon mo, Inang kong mahal!” Ewan nga ba kung bakit. Nakasupalpal na sa aming bibig ang mga impormasyon, pero bakit nga ba, bakit parang nanghihinayang kaming ibigay ang napakahalaga naming espasyo sa babaeng ito? Dahil kaya sa kilala namin siya?
Dahil kaya sa alam namin ang kanyang kapasidad na gumawa ng kung ano-anong ingay para lang mapag-usapan siya? Bakit nga kaya ayaw naming paniwalaan ang mga isinasatsat ng babaitang ito? Madalas sabihin sa amin ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez na mabait ang asawang kongresista ni Daiana, soft spoken daw, parang ni hindi makapananakit ng kahit langaw lang.
‘Yun ang mas binibigyan namin ng bigat, ang komento ng mga taong mas nakakakilala sa politiko, hindi ang mga kuwentong-kutsero na bigla na lang naglalabasan.Nu’ng isang umaga ay nagbigay ng komento si Grace Lee sa Good Morning Club tungkol sa isyung nagsasangkot kay Daiana at sa kongresista, “I remember, ganyan din ang nangyari nu’ng sa kanila ng ex niya, ‘yung direktor,” sabi ng TV host.
Gusto lang naming ikorek ang impresyon ni Grace Lee, walang ganyang nangyari nu’ng maging magkarelasyon hanggang sa nagkahiwalay sina Daiana at Direk GB Sampedro, ni galos ay hindi iniwanan ng marka ng guwapong direktor ang Brazilian model.
Basta isang araw ay nalaman na lang namin na tapos na ang kanilang relasyon, basta tapos na ang kuwento ng kanilang pagmamahalan, marami ring pinagsasasabi si Daiana Menezes pero bilang isang maginoo ay hindi sinagot ni Direk GB Sampedro ang kanyang mga komento.
Kaya mali ang litanyang “I remember” ni Grace Lee. Walang ganu’ng senaryo, walang pisikalang naganap, kaya walang lugar ang linyang “I remember” ng Koreanang TV host. Ingat-ingat lang sana sa susunod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.