Grace Poe apektado rin sa pagtatapos ng 'Probinsyano'; nagpasalamat sa mga nagmamahal kina FPJ at Susan | Bandera

Grace Poe apektado rin sa pagtatapos ng ‘Probinsyano’; nagpasalamat sa mga nagmamahal kina FPJ at Susan

Ervin Santiago - August 11, 2022 - 07:32 AM

Coco Martin at Grace Poe

PATI si Sen. Grace Poe ay apektado sa nalalapit na pagtatapos ng longest-running primetime teleserye ng ABS-CBN, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nagpasalamat ang senadora sa lahat ng mga Filipino mula sa iba’t ibang sulok mg mundo na talagang sumubaybay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa loob ng halos pitong taon.

Bukas na ang finale episode ng serye kaya nagbigay din ng mensahe si Sen. Grace sa lahat ng manonood at sa buong production na nasa likod ng tagumpay ng “Probinsyano”.

Ang senadora ang nag-iisang anak ng Action King na si Fernando Poe, Jr. at ng movie queen na si Susan Roces, na pareho nang namayapa.

Si FPJ ang unang nagpasikat sa movie version ng “Ang Probinsyano” na ipinalabas noong 1997 na talagang tumabo sa takilya.

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin (@official_coco_martin)


At sa teleserye naman, ginampanan ni Susan Roces ang karakter ni Lola Flora, ang mapagmahal na lola ni Cardo Dalisay na ginagampanan nga ni Coco.

Sa isang video sa Instagram na ipinost ng Dreamscape Entertainment, nagpasalamat nga si Sen. Grace sa mga nagmahal at sumuporta sa serye nina Coco.

“Sa lahat po ng nagmahal sa legasiya ng aking mga magulang na sina FPJ at Susan Roces, tanggapin niyo po ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa FPJ’s Ang Probinsyano sa loob ng pitong taon,” mensahe ng senadora.

Pagpapatuloy pa niya, “Nais ko rin pong magpasalamat sa buong cast at crew at sa Kapamilya network na pinangungunahan ni Cardo na si Coco Martin.

“Sa inyong paggawa ng isang dekalidad na programa na nagbigay ng pag-asa, inspirasyon, at kaligayahan sa ating mga kababayan.

“Alam ko na si Coco ay hindi lamang gumanap kung hindi siya rin ay nagsulat at nagdirek ng teleseryeng ito,” pahayag pa ng anak nina FPJ at Susan.
https://bandera.inquirer.net/314355/susan-roces-kay-grace-poe-im-already-80-years-old-im-ready-this-time-i-would-think-of-me

https://bandera.inquirer.net/314131/susan-roces-may-mga-paramdam-na-bago-pumanaw-grace-poe-may-pagsisisi-sa-pagkawala-ng-ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305950/janine-gutierrez-apektado-nga-ba-sa-pagiging-mas-malapit-nina-julie-anne-san-jose-at-rayver-cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending