Rebelasyon ni Marites Mondina, Pambansang Kolokoy never nagbigay ng panggastos sa bahay, sinumbatan sa panloloko sa kanya | Bandera

Rebelasyon ni Marites Mondina, Pambansang Kolokoy never nagbigay ng panggastos sa bahay, sinumbatan sa panloloko sa kanya

Reggee Bonoan |October 05,2023
facebook
share this

Rebelasyon ni Marites Mondina, Pambansang Kolokoy never nagbigay ng panggastos sa bahay, sinumbatan sa panloloko sa kanya

Reggee Bonoan - October 05, 2023 - 06:37 PM

Rebelasyon ni Marites Mondina, Pambansang Kolokoy never nagbigay ng panggastos sa bahay, sinumbatan sa panloloko sa kanya

NARITO ang part two ng mga naging pahayag ng ex-wife ni Joel Mondina a.k.a. Pambansang Kolokoy na si Grace Mondina.

Ang tanong ni Ogie Diaz kay PK ay kung totoo bang kaya sila naghiwalay ni Grace ay dahil sa pagkakaroon nito ng kerida o kabit.

Itinanggi ito ni Joel, “Prior to that may mga (problema na). Unang-una hindi ko nakikita ‘yung magulang ko, ‘yung tatay ko hindi ko nakita ng 10 years hindi ko nakausap, ‘yung nanay ko hindi ko nakakausap.”

Ito ‘yung pinalabas ni PK na pinagbawalan siyang makipagkita ni Grace sa magulang niya at bawal ding pumunta sa bahay nila kahit magkalapit lang ang mga bahay nila sa Amerika.

Sabay pakita sa video na may vlog si PK kasama ang magulang niya isang taon na ang nakararaan kaya natawa si Miss Grace.

“I don’t know what to say (base sa vlog ni PK kasama ang magulang). In 2013 to 2023 that was 10 years. In 2013, your parents sold the house (sa US) and your dad go back to the Philippines and retired (while), your mom stayed (US).

“Your brother bought a house and moved in with his girlfriend and your mom moved in also. But because she cannot be getting along with the other daughter in-law and your brother, she had to move out and rent a room to one of her friends.

Baka Bet Mo: Pambansang Kolokoy hiniwalayan si Marites Mondina nang palayasin sa bahay: ‘Kailangan nang itigil ‘to kasi hindi na healthy ang relationship’

“Let’s talk about your dad. During those times, you and your dad stop talking because we found out that your dad was cheating on your mom with a younger girl that’s why he went to the Philippines.

“Everyone knew this but prior to that, he (dad ni PK) also had an affair with someone else and had a baby right (pinakitang may kargang bata ang dad ni PK). Yes, guys, cheating is normal in the family. He (PK) cheats, dad cheats, (and) uncle cheats.

“And then in 2018, we went to the Philippines and we even went to Baguio to see your dad but your dad was not (around, ayaw makita si PK), we didn’t see him that’s why we had to stay in a hotel, that’s the story of your dad.

“With your mom since she was alone, we decided to that she should bond with our kids.  It all started when we wanted her to baby sit with the kids but she didn’t want, fine!

“Because she works Monday to Friday and sometimes she had part time in the evening. Okay she can see the kids Saturday o Sunday. Can’t be both maybe she’s tired. But a lot of times she would cancel because she’s going out or she would go to a party.

“So, we continue to do that remember?  We continue to ask her every week every week if she can see the kids?” mahabang kuwento ni Miss Grace.

Isang taon daw naging ganito ang naging takbo ng usapan nina Grace at ng mama ni PK. Nabalitaang dumalo ng children’s party ang ina ni Kolokoy at hindi man lang isinama ang kanilang mga anak lalo na nu’ng nag-post daw na ang pinuntahang party ay Frozen ang tema at paborito raw ito ng bunsong anak nilang si CJ pero hindi man lang isinama ang apo at para makabawi ay binilhan na lang daw ng Frozen cap.

Ang pinakamatinding dahilan kung bakit nagalit na si Miss Grace ay nang magdiwang ng kaarawan ang anak nilang may autism na unang beses naglambing na gusto nitong makasama ang lola niya pero tumanggi dahil may lakad daw sila ng mga kaibigan niya.

“You and I were so mad at your mom and you told your dad and your dad got mad, too! And also you didn’t talk to your mom for a long time because of money,” pagtatapat pa.

Humihingi raw ng pera ang mama ni PK nang makitang nagso-show siya at sinabing hindi pa siya binabayaran kaya tumanggi siya at doon na raw nagalit nang husto ang nanay niya.

“I’m done with her, she didn’t act like a grandma to the kids, I was just fed up with it,” diin ni Miss Grace.

Pero ang pinalabas ni Joel sa panayam niya kay Ogie ay hindi boto ang magulang niya kay Miss Grace dahil “married” pa ito noong nagsama sila at may anak pa pero sa katagalan ay naging okay na rin.

Ang sagot ni Miss Grace, “It was already hard entering your family knowing that your parents didn’t like me. I don’t know if they accepted me or they’ll just tolerated me but your mom was always, always talking that about me to your family, to her friends and to her co-workers. But that was fine because that’s what who she is.”

Itinanggi rin ni Miss Grace ang sinabi ni Joel na hindi kilala ng mga anak niya ang lola niya na nanay niya kasi nga hindi raw pinapayagan ng ex-wife niya na makita nila ang grandmother nila.

“Of course your kids didn’t know her because she was barely there remembering, we keep asking her (nanay ni PK) to be with your kids but she was always gone, she was always partying and she was always with her friends.

“She didn’t act like a grandma, she act like a friend. So, how can you sit there and lie and not telling the truth (interbyu ni PK kay Ogie Diaz)?” sabi pa.

Nabanggit pa ni PK na pinagbawalan siya ni Miss Grace na kausapin ang magulang niya na ang katwiran naman ng huli ay malaki na ito at may sariling pag-iisip kaya wala siyang kinalaman kung kakausapin o hindi ang parents niya.

Pati ang sinabing bestfriend ni PK na ayaw ni Miss Grace ay hindi naman daw totoo dahil lagi nga raw silang magkasama at ito rin ang nagpakilala sa kanila ni Sherrine Dawn Esguerra

“Remember that your son asked you, ‘how did you meet Sherrine Dawn Esguerra?’ and you said, ‘your bestfriend introduced you to her.’ You’re always with him everywhere, out of the country, out of town that’s why you met her,” pagpapaalala ni Grace kay Joel.

Pati ang sinabing hindi pinayagan ni Grace si PK na gumawa ng vlog para sa nanay niya dahil babalik na ng Pilipinas ay hindi totoo.  At kung itutuloy daw ay huwag na siyang bumalik ng bahay at pagbalik nga niya ay nasa labas na lahat ang mga gamit niya.

Tinawanan lang ito ni Miss Grace dahil never daw nilang napag-usapan ang mama niya tungkol sa vlog at tungkol sa sinabing nakalabas na ang mga gamit niya.

“You know what, you left the house, January 6, 2022 and you were gone for three weeks and when you came back, you were already ready to move out. You came home with a truck and you’re the one who took out all of your clothes from the closet, what are you talking about?” balik-tanong ni Grace kay Pambansang Kolokoy.

At dahil dito nang umalis na nga si PK ay nagbilin si Grace na i-take down na nito ang lahat ng larawan at videos niya sa social media platforms tulad ng Facebook, YouTube, Instagram at TikTok.

“Because you’re making money out me! Out of those videos that we made. And you threatened that if you don’t make money, you won’t be able to pay child support, so, are you saying that CJ (bunsong anak) and I are helping you pay for child’s support?

“So, we’re practically paying us, paying our own child support?” tanong ulit ni Miss Grace sa ama ng kanyang mga anak.

At dito na sinumbatan ni Miss Grace na never nagbayad o nakihati sa gastos nila sa bahay si Joel at libre raw itong tumira. Sabay pakita ang e-mail ni PK dated May 28, 2023, “Am I still in your insurance o tinanggal mo na? Like eye doctor?”

Sa madaling salita ay kasama si Joel sa mga beneficiary ni Grace sa mga insurances niya tulad nga nitong medical/health. Take note, January, 2022 pa umalis ng bahay nila si PK pero heto’t May, 2023 ay nagtatanong tungkol sa insurance.

“And I didn’t know that you’re cheating on me?” tanong ulit ni Grace sa dating asawa.

Ibinuking pa ni Grace na nu’ng nagsasama na sina Joel at ng mama ni Juju ay dalawang beses daw silang napalayas sa tinitirhang apartment nila kaya’t tumakbo siya kay Grace at nakiusap na kung puwedeng pansamantala muna silang tumira roon.

“You came to me and you wanted to stay in my house. The house that you stayed out for free. You wanted you and your new family to stay at my house after what you did to me?

“You had the guts to stay at my house?  And you’ll only stayed with me because you needed me for the vlogs. Without me you know, your views are low, so I’m asking you to please take down my pictures and videos,” diin ni Grace.

Sundan ang part 3 ng mga rebelasyon ni Grace Mondina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
RR Enriquez gigil much sa ‘cheating is a blessing’ hugot ni Pambansang Kolokoy: Elbow kita koya, you like?!

Pambansang Kolokoy umalma sa interview kay Marites: ‘Ayaw kong magsalita against her pero kapag pinilit ako, magsasalita ako’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending