Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang 'ex-lover' ni Francis M | Bandera

Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang ‘ex-lover’ ni Francis M

Therese Arceo |October 19,2023
facebook
share this

Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang ‘ex-lover’ ni Francis M

Therese Arceo - October 19, 2023 - 10:32 AM

Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang 'ex-lover' ni Francis M

INAMIN ng social media personality na si Boss Toyo na sinubukan niyang mag-reach out sa asawa ni Francis Magalona na si Pia Magalona bago nito ibinandera ang vlog tampok ang nagpapakilalang dating karelasyon ng master rapper na si Abegail Rait at kanilang anak na si Gail Francesca.

Sa kanyang panayam sa programang “Julius and Tintin” sa OnePH, ibinahagi ng social media personality ang kwento kung paano lumapit sa kanyang show si Abegail.

“Nagpa-schedule ‘yung isang cousin… na they will bring up something na magugustuhan ko. So sabi ko ‘Sige. Go. Schedule natin’. Binigyan namin ng schedule… nung pumunta na sila ng Friday, I was expecting na Francis Magalona item lang. I wasn’t na mayroong story na ganoon,” lahad ni Boss Toyo.

Para sa mga hindi aware, super faney siya ni Francis M at sa katunayan, marami siyang mga biniling gamit at memorabilia na may kaugnayan sa master rapper gaya ng mga naging damit nito sa mga nakaraang music video at marami pang iba.

Chika ni Boss Toyo, nagulat siya sa naging kuwento ni Abegail dahil akala niya ay isang mahalagang item lang ang dala nito.

Baka Bet Mo: Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

Dagdag pa ni Boss Toyo, kinilabutan siya sa ibinahaging istorya ng nagpapakilalang dating karelasyon ni Francis M at matapos ang kanilang pagkikita ay agad siyang nag-search sa internet kung mayroon bang naging tsismis noon na nagkaroon ng ibang karelasyon ang master rapper habang nagsasama sila ng asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Right after the video tsaka lang ako nag-research sa Google. Tinignan ko sa YT kung may tsismis, wala e. Doon din ako nagdalawang isip kung tama ba na i-upload ko or what. Naisip ko, sayang ‘yung pera. Hindi naman madaling kumita ng pera so siyempre sabi ko, ‘Paano ko mababawi? Paano ko mapapatunayan ‘yung jersey kung hindi ko ia-upload,” lahad ni Boss Toyo.

Naibahagi rin niya na kaya lumapit sa kanila si Abegail at ibinenta ang memorabilia ni Francis M ay para may karagdagan itong pera pangsuporta sa mga pangangailangan ng anak nila.

Hindi na rin daw niya masyadong inalam kung anong kwento ng relasyon ni Abegail at Francis M bilang respeto. Sa halip ay mas nagpokus ito sa diumano’y anak ng dalawa.

“‘Yung mukha niya… hindi maaaring ipagkaila [na anak ni Kiko]. Tsaka she’s a very sweet child… Kasi marami pala kaming common friends,” hayag ni Boss Toyo.

Natanong rin naman ni Tintin ang personality kung nag-reach out na ba si Pia sa kanya dahil minsan na rin silang nag-meet nang magbenta rin ito ng Francis M collectibles sa kanyang shop.

“Hindi po… I did text her twice to inform her na nagpunta si Abegail and the kid and I informed her also through text that naka-schedule siya ng 8AM to be uploaded,” sey ni Boss Toyo.

Pagpapatuloy niya, “So I didn’t get a response, so sabi ko, baka… I don’t know kung ano. Kasi alam ko rin yung mafi-feel ni Ma’am Pia about it. Alam ko naman ’yun eh.”

Pag-amin ni Boss Toyo, aware naman siya na may masasaktan sakaling ibahagi niya ang video dahil hindi lang ito simpleng kuwento mula sa nakaraan.

“Hindi naman ako magga-gaslight na hindi ko alam na may masasaktan. Pero kasi kahit hindi siya sakin lumabas, lalabas siya eh,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na rin daw sinubukang tumawag pa ni Boss Toyo sa asawa ni Francis M dahil hindi niya alam kung sasabihin at nahiya na rin siya.

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M?

Chito pinasalamatan ang vlogger na nakabili sa Bagsakan polo ni Francis M sa halagang P620k; Pia Magalona relate much kay Gab Chee Kee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending