Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: 'Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful...a part of you dies' | Bandera

Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: ‘Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful…a part of you dies’

Ervin Santiago |April 03,2023
facebook
share this

Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: ‘Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful…a part of you dies’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 03:16 PM

Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: 'Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful...a part of you dies'

Aljur Abrenica

ILANG beses na ring umiyak at nasaktan ang hunk actor na si Aljur Abrenica nang dahil sa babae.

Yan ang rebelasyon ng boyfriend ni AJ Raval kasunod nga ng kanyang pag-amin na cheating o panloloko talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Kylie Padilla.

Ayon kay Aljur, minsan na rin siyang niloko ng dati niyang karelasyon at talagang napakasakit daw nang malaman niya ang tungkol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Sa bagong vlog ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel, nagbahagi nga ni Aljur ng ilang maiintrigang detalye na may kaugnayan sa dati nilang relasyon ni Kylie at sa iba pang isyu at kontrobersyang kinasangkutan niya nitong mga nagdaang buwan.

Isa sa mga naitanong ni Toni sa kanya ay ang, “Ano ang pinaka misconception sayo ng tao?” Na diretsahan namang sinagot ni Aljur ng, “Babaero.”

Sundot na tanong ng TV host at content creator, paano ba talaga magmahal si Aljur Abrenica, “Binibigay ko talaga lahat. Pagsusuyo, anything that I can think of that would make her happy, ginagawa ko.

“But still, may mga pagkakamali ako noon kasi hindi pa ako ganu’n ka- mature,” pahayag ng aktor.

“Yung pagkakamali mo bang yun, would you say you experienced cheating on a girl?” ang sunod na question ni Toni. Tugon ni Aljur, “Yeah, oo. Everything that you do, may kapalit.”

Baka Bet Mo: Regine, Gary hindi maramot sa pagse-share ng tips sa mga kapwa singer: We don’t want that to die with us

Na-heartbroken na ba siya at pinaiyak ng babae, “Oo, maraming beses na. At ang sakit. Its so painful, sobrang painful, it breaks you.

“Naalala ko na parang there’s no life, wala ka ng buhay, hindi ka na magising ng maaga. A part of you dies eh. Yung worth mo, mawawala. It’s just the worst talaga,” pag-amin ng estranged wife ni Kylie.

Diretsahan ding inamin ni Aljur na cheating ang dahilan ng breakup nila no Kylie, “Totoo naman yun. On my part, oo, ina-admit ko yun na may pagkakamali ako.”

Nauna na namang sinabi ni Kylie na hindi kabit ni Aljur si AJ Raval tulad ng paniniwala ng maraming tao. At okay na okay naman daw sila ng sexy star kaya sana’y tigilan na ang pang-iintriga sa kanila.

Sa ngayon, nakikipag-date na rin si Kylie pero ipinagdiinan niya na wala sa top mga top priority niya ang magkadyowa uli. Basta ine-enjoy lang niya ang buhay niya kasama ang dalawa niyang anak.

Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: ‘Love, Die, Repeat’ coming to you bessies real soon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending