Aljur matapos ang 'breaking silence' post: I can still say na she was the love of my life Bandera

Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Therese Arceo |October 23,2021
share this

Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Therese Arceo October 23, 2021 - 07:14 PM

Aljur matapos ang 'breaking silence' post: I can still say na she was the love of my life

MAGMULA nang mag-viral ang “breaking silence” post ni Aljur Abrenica laban sa asawa nitong si Kylie Padilla, mas naging maingay ang kanilang naging paghihiwalay at mas dumami ang mga taong nag-aabang kung ano nga ba talaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at sino nga ba talaga ang unang nagloko.

Ngunit na-realize siguro ng aktor na naging ugat ang kanyang post ng mas malaking kontrobersya kaya naman binura rin niya ito ilang araw matapos siyang mag-post.

Sa press conference ng kanyang bagong pelikula na “Manipula”, inamin ni Aljur na hindi siya proud sa nangyari sa relasyon nila ni Kylie.

Aniya, inilabas niya ang kanyang pahayag kung saan pinaratangan niya ang asawa sa pagiging unfaithful nang hindi muna pinag-iisipang mabuti kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang pamilya.

“The reason why na nagawa ko ’yun out of impulse. I felt like nasadsad na’ko. Lubog na ko. Nabugbog na ko.

“It was not my intention na maglabas na ganong post pero naramdaman ko talaga na kailangan,” saad ni Aljur.

Hindi na rin in-elaborate ng aktor ang iba pang detalye sa isyu dahil parte pa rin daw ng kanyang pamilya ang aktres.

“Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gustong i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at ganon kaapektado ’yung mga tao dahil sinubaybayan niyo ’yung pagsasama namin ni Kylie,” pagpapaliwanag ng aktor.

Amin pa ni Aljur, totoong minahal niya si Kylie lalo na noong mga panahong nagsasama pa sila.

“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ’yung babaeng ’yon. And I valued our family more than anything. So I was really affected nu’ng nangyari yon. And in respect, sana, di ba, pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali din ako,” dagdag pa niya.

Grateful pa rin daw si Aljur sa mga oras na pinagsamahan nila ni Kylie na ina ng kanyang dalawang anak na sina Axl at Alas.

“She’s still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Nagpapasalamant ako. Napakinggan niyo na yung sinabi ko sa post na yon at lahat lumabas na. So hanggang dun na lang. Sana, hinihingi ko po sa inyo, na para sa mga bata, at para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo. Hanggang dun na lang.”

Related chika:
Aljur, Kylie may ‘comeback’ nga ba?
Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending