AJ Raval ipinatanggal na ang pekeng boobs, matagal nang planong gawin: 'Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko' | Bandera

AJ Raval ipinatanggal na ang pekeng boobs, matagal nang planong gawin: ‘Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko’

Ervin Santiago |March 30,2023
facebook
share this

AJ Raval ipinatanggal na ang pekeng boobs, matagal nang planong gawin: ‘Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko’

Ervin Santiago - March 30, 2023 - 09:02 PM

AJ Raval ipinatanggal na ang breast implants, matagal nang planong gawin: 'Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko'

AJ Raval

IPINATANGGAL na ng Vivamax bombshell na si AJ Raval ang kanyang pekeng boobs na matagal na niyang planong gawin.

Sa kanyang Instagram account, buong-ningning na ipinakita ng girlfriend ni Aljur Abrenica ang tinanggal ma breast implants sa kanyang dibdib.

Makikita sa IG page ni AJ ngayong araw, March 30, ang litrato kung saan hawak-hawak pa niya ang dalawang silicone na inilagay noon sa kanyang boobs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Mapapansin ding balot ang itaas na bahagi ng katawan ni AJ ng elastic bandage na patunay na sumailalim nga siya sa isang medical procedure.

Baka Bet Mo: Summer MMFF 2023 entry na ‘Single Bells’ planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay

Walang isinulat na caption ang sexy star sa kanyang Instagram post at tanging heart emoji lang ang inilagay niya rito. All smiles naman ang dalaga sa nasabing litrato na parang ipinagsisigawan na masayang-masaya siya sa kanyang desisyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Kung matatandaan, sa isang panayam ng press kay AJ, noon pang 2022 niya planong ipatanggal ang kanyang breast implants pero hindi ito natuloy.

“Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado. Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year.

“I’m planning po, kasi last year, nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natural na po sa akin yun. Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko.

”Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, du’n po ako nag-start na ma-conscious. Planning po ako next year na ipatanggal,” ang pahayag ni AJ sa presscon ng pelikulang “Crush Kong Curly” noong December 2021.

Dating news anchor Eduard Bañez planong balikan ang showbiz career sa Pinas; nakatrabaho sina Justin Bieber at Sia sa US

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine mas matapang na ngayon, ayaw nang magkunwari: Hindi ako santa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending