Summer MMFF 2023 entry na 'Single Bells' planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay | Bandera

Summer MMFF 2023 entry na ‘Single Bells’ planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay

Ervin Santiago |February 27,2023
facebook
share this

Summer MMFF 2023 entry na ‘Single Bells’ planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 05:54 AM

Summer MMFF 2023 entry na 'Single Bells' planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay

Aljur Abrenica, Alex Gonzaga, Fifth Solomon at Angeline Quinto

PLANONG iboykot ng mga taong hanggang ngayon ay galit na galit pa rin sa TV host-vlogger at aktres na si Alex Gonzaga ang pelikulang “Single Bells”.

Ito’y pinagbibidahan nina Alex, Aljur Abrenica at Angeline Quinto na isa sa mga official entry sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na magaganap sa darating na Abril.

Iba’t iba ang reaksiyon at komento ng mga netizen nang bumandera nga ang pelikulang “Single Bells” sa napiling Magic 8 ng Summer MMFF 2023 screening committee.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Angeline ang poster ng kanilang entry pati na ang ilang litrato nila nina Alex at Aljur kasama ang direktor ng movie na si Fifth Solomon.

Sabi ng actress-singer sa kanyang caption, “Sa mga marurupok d’yan… Mag-iingay tayo ngayong summer. So blessed to be part of the 1st ever Summer MMFF ngayong April.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Salamat Lord sa pagkakataong makapag-entertain muli ng mga kababayan natin through our film ‘Single Bells’ kasama sina Alex Gonzaga at Aljur Abrenica. Directed by @fifthsolomon.

“Sana ay suportahan nyo po kami mga ka-twinkle. See you guys,” pahayag pa ni Angeline.

May mga netizens na bumati at nag-congratulate sa cast ng pelikula at nangakong susuportahan nila ito kapag nag-showing na sa mga sinehan bilang bahagi ng Summer MMFF.

Ngunit may mga IG users ding nagsabi na hindi nila ito panonoorin dahil kina Aljur at Alex. Sorry na lang daw kay Angeline dahil nadamay siya sa kanegahan ng dalawa niyang co-stars sa movie na tinawag pa nilang “malas.”

“Pass muna idol… alam mo na… pero congrats pa rin sa’yo.”

“Kasama pa n’ya si Alex si babaeng cake at si Aljur na manloloko.”

“Sana ikaw na lang di na nagsama ng malas.”

“Congrats! Pero pass muna, kasi di ko type yung isang kasamang ghurl.”

“Naku sana hind ka nla sumama kay alex kasi wala nman manood ng movie sayang oras at panahon kay Alex.”

“Good luck though medyo nanghinayang ako kasi si Alex ang kasama. Sana si Angelica na lang. Tuwa pa naman ako sa Beauty in a Bottle before.”

“Angeline ang daming artista na makakasama bakit si Alex ?wag na sayang ang pera para manuod.pass muna pag iba kasama mo.Big No to me po. nakakasawa ng mga Gonzaga sistahhh.”

“Naka moved on na yung mga tao sa issue, bakit kayo hindi pa kayo magpatawad? Wag na natin masyadong ibaba ang kapwa natin, Nakapatay ba si Alex? Bakit parang criminal na amg turing ninyo sa kanilang magkapatid dahil lang sa hindi nyo sila gusto. Lets spread.”

“Naku baka matulad ka ke joey deleon Hinatak pabulusok ni Toni hayun nakulelat Ang My Teacher. JINX Ang GONZAGA SISTERS. ATTENTION PRODUCER PAG ISIPAN NINYO YANG ALEX NA IYAN. MALAS MALAS MALAS.”

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon nina Angeline, Alex at Aljur hinggil sa isyung ito.

Dating news anchor Eduard Bañez planong balikan ang showbiz career sa Pinas; nakatrabaho sina Justin Bieber at Sia sa US

Anak ni Candy nagsimula nang maging altar server: So proud, dreams to come true!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending