Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ | Bandera

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Therese Arceo |November 04,2021
facebook
share this

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Therese Arceo - November 04, 2021 - 01:50 PM

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

LABIS na siguro ang nadaramang pagka-miss ni Paolo Contis sa kanyang anak na si Summer. Ilang linggo na rin kasi niyang hindi nakikita ang anak buhat nang maghiwalay sila ng dating niyang partner na si LJ Reyes.

Sa ngayon ay namamalagi si LJ kasama ang mga anak sa New York kung saan nakatira ang kanyang pamilya. Agad na nagdesisyon ang aktres na pumunta sa Amerika matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay ni Paolo.

Ayon sa kolumnistang si Cristy Fermin ay may balak raw na pumunta si Paolo sa New York para dalawin ang anak na si Summer.

“Ang plano nga ata niya ay pumunta ng New York sa December para dalawin ang anak niya,” saad ni Cristy Fermin.

Aniya, hindi lang daw niya sigurado kung matutuloy ito dahil nabanggit rin niya na busy si Paolo sa ngayon dahil napakarami ng mga ginagawa nitong projects.

Nakuwento rin ni Nay Cristy na hindi daw pinanood ni Paolo ang latest interview ni LJ kay Tito Boy Abunda.

“Kapag may nagtatanong nga sa kanya, “Uy Paolo! Napanood mo ba ‘yung interview ni LJ? Napapanood mo ba ‘yung mga sinasabi niya?’

“Ang sagot niya, ‘Wit!’,” pagllahad nito.

Aniya, maganda raw ang ginagawa ni Paolo na tahimik lang siya at walang sinasabing na pwedeng makasama sa kanya pati na rin sa dating karelasyon at kanilang anak.

“Apektado siya of course dahil hindi maman ganoon kadali ang makipaghowalay lalo na kung mayroon na kayong supling pero hindi niya sinasagot punto por punto kung ano ‘yung mga pinapahayag ni LJ,” dagdag pa ni Nay Cristy.

Mas nagiging light daw at iwas isyu na para sa kanilang dalawa. Iwas na rin na makapagsalita na makasasama ng loob ng bawat partido na paniguradong makakaapekto sa kanilang mga anak.

“Yung pagtanggap niya sa nangyari sa kanila ni LJ, parang casual lang. Hindi dahil sa wala siyang pakiramdam kundi binibigyan lang niya ng kalayaan na magsalita ang dati niyang karelasyon na hindi na niya sasagutin pa,” sey pa ni Cristy.

Isa na rin daw ang kanyang pananahimik sa mga paraan niya ng pagpapakita ng respeto at pagkilala sa ina ng kanya anak na si Summer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
#OMG: Hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at LJ Reyes?
Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending