#OMG: Hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at LJ Reyes? | Bandera

#OMG: Hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at LJ Reyes?

Reggee Bonoan |August 19,2021
facebook
share this

#OMG: Hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at LJ Reyes?

Reggee Bonoan - August 19, 2021 - 07:18 PM

Paolo Contis, LJ Reyes, Aki at Summer

HIWALAY na ba sina Paolo Contis at LJ Reyes?

Kaya namin ito naitanong ay dahil in-unfollow na ng aktor ang kanyang lady love at ina ng kanyang anak na si Summer.

Zero following na kasi ang nakalagay sa Instagram account ng aktor bukod pa sa wala na rin ang mga masasaya at magagandang larawan niya kasama sina LJ at Aki.

Ang mga photos na lang ni Summer at promo ng mga pelikula niyang malapit nang ipalabas ang makikita sa account niya.

May larawan si Paolo na ipinost niya habang nasa talahiban na ang caption ay, “Tough road ahead… Rest. Reflect. But never stop moving.”

Kabaligtaran naman ito ni LJ dahil hanggang ngayon ay pina-follow pa rin niya ang ama ng anak niyang si Summer pero burado na ang mga larawang kasama si Paolo sa kanyang IG account. May isa kaming nakitang litrato ni Paolo sa IG niya kung saan binati niya ang aktor noong Father’s Day.

Sa solong larawang ipinost ng aktres ay tinanong siya ng netizen na si @thezappirection, “Bakit wala ng finafollow si Kuya Pao? Sana okay lang po kayo.”

Gayun din ang comment ni @honeybatino, “Bakit po wala din ung photos nio sa IG ni kuya pao? I hope ok Lng po kayo. miss npo ang vlog nio with kuya ao and kids.”

Iba naman ang pakiramdam ni @iamdonnacorros, “Sana mali ‘yung kaba ko sa inyo ni Pao. I’m a silent fan of your fam. Nalungkot ako when u both stop reacting or liking on ur posts. Sabi ko hnd sila to may something.”

“But Pao posted about you taking care of d kids while he is on lockdown taping. Sabi ko ay hnd okay lang sila. Pero hnd eh. may iba. You stop liking and reacting to eo posts which is unusual. pero baka bc lang.

“Then you stop following him and seeing Pao following to 0 scared me. and he even removed that post. I know I am just a simple randon people, I don’t know what is happening pero I can’t help not to say this. Gsto ko lang makita ulit yun masayang family nyo dto or sa YT. godbless Ms Lj and Pao and sa mga kids. (sorrry mahaba).”

Dagdag ni @nyetakha, “Deleted na din mga pics nio ni Paolo.. puro kay summer lng natira so sad naman kala nmin forever na kau (broken heart emoji).”

Ayon naman kay @dawnchawori, “Ganun talaga sa showbiz na mga couple bihira lang may forever. ‘tong Paolo from Lianne ba yun sa EB babe tas kay LJ puro hiwalay, hoy matanda kana mag settle kana. d habang buhay bata ka.”

Samantala, nagpadala kami ng mensahe kay LJ tungkol dito pero hindi niya kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at paliwanag nina Paolo at LJ hinggil sa isyung ito pero tulad ng kanilang supporters, umaasa rin kami na sana’y hindi nga totoong hiwalay na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending