Anak ni Candy nagsimula nang maging altar server: So proud, dreams to come true! | Bandera

Anak ni Candy nagsimula nang maging altar server: So proud, dreams to come true!

Ervin Santiago |July 21,2021
facebook
share this

Anak ni Candy nagsimula nang maging altar server: So proud, dreams to come true!

Ervin Santiago - July 21, 2021 - 08:46 AM

PROUD na proud ang veteran actress at comedienne na si Candy Pangilinan sa isa na namang achievement ng kanyang anak na si Quentin.

Natupad na kasi ang pangarap niya at ni Quentin na magsilbing altar boy sa simbahan na madalas nilang pinupuntahan.

Kuwento ng komedyana, nagawa ng kanyang anak ang ibinigay sa kanyang assignment ng mga taga-simbahan — ang mag-ring ng bell sa pagse-celebrate ng Holy Mass.

Ibinahagi ni Candy ang isa na namang milestone sa buhay ni Quentin sa kanyang Instagram account na pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens na tuwang-tuwa para kay Quentin.

Sabi ni Candy sa caption, “I was told Quentin was tasked to ring the bell today.”

“So proud. Dreams to come true. Good night world,” mensahe pa niya.

Sa maikling video na ipinost ng aktres sa IG ay mapapanood ang kanyang anak na lumuluhod habang hawak ang isang bell. Ani Candy, alam na alam daw ni Quentin kung kailan niya patutunugin ang nasabing bell.

Makikita rin ang binatilyo na tumanggap ng Holy Communion habang gina-guide sa pila ng mga kapwa niya altar servers.

Bumuhos naman ang mga inspiring at positive message para kay Quentin mula sa mga netizens. Pinuri rin nila si Candy dahil sa maayos na pagpapalaki nito sa anak na may special needs.

Kung matatandaan, nito lamang nagdaang linggo ay um-attend si Quentin sa first training niya bilang altar server sa Our Lady of Mount Carmel Parish. Tuwang-tuwa na nagpasalamat si Candy sa mga taga-simbahan dahil pinayagan nila ang anak na maging altar boy.

Samantala, nag-post din si Candy sa IG ng selfie photo nila ni Quentin na kuha bago siya sumabak sa lock-in taping para sa bago niyang proyekto.

Sey ni Candy sa caption, “Last night with Quentin before I go to the lock-in taping.

“Tita MM went to Mass with him kanina because I had to stay in home quarantine. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I was told he was given a task today. Tita MM sent this pic. She also sent me a video I will post next,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending