Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: 'I hope you accept me, I don’t have bad intentions' | Bandera

Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: ‘I hope you accept me, I don’t have bad intentions’

Reggee Bonoan |October 22,2023
facebook
share this

Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: ‘I hope you accept me, I don’t have bad intentions’

Reggee Bonoan - October 22, 2023 - 05:43 PM

Pakiusap ng anak ni Francis Magalona sa pamilya nito: 'I hope you accept me, I don’t have bad intentions'

Gaile Francesca Rait

WALA pala sa plano ng mag-inang Abegail Rait at Gaile Francesca Rait na lumantad sa publiko para ibandera ang kaugnayan nila sa namayapang Master Rapper na si Francis Magalona.

Ito ang pagtatapat ng manager ni Gaile na si Direk Mon Roco sa panayam nito sa vlog ni Julius Babao na “Unplugged” na in-upload sa YouTube kagabi, Sabado.

Bungad ni Direk Mon, “Ang plano talaga namin ay hindi muna magpapakilala. Ito ang totoo, gusto kong ma-disabuse ang tao that we are using Francis M for her self gain or publicity or as a ground (stepping stone).

“Nagde-debate kami diyan pati ‘yung mga kino-consult kong mga tao at napagkasunduan namin na ilabas muna namin siya (Gaile) on her own and then later on sasabihin na (anak siya ni Francis).

“That was really the plan. Sorry doon sa mga hiningian ko ng advice na it turned out this way lumabas na napakaaga na anak siya ni Francis na the intention was to launch her first and make it on her own bago i-admit na anak siya ni Francis M,” sabi ng manager.

At dahil nangyari na nga at pumutok na nga ang balita na may anak si Kiko (pet name ni Francis M) kaya hindi na nila ito na-control.

Baka Bet Mo: Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Ang manager ng 15-year old daughter nina Kiko at Abegail na si direk Mon ay director at writer ng mga TV series ng GMA 7.

Sa tanong ni Julius sa ina ni Gaile Francesca kung may pagsisisi ba ngayong nalantad na may anak sila ni Francis, “No regrets,” sabi kaagad ng nito.

Nang makausap ni Julius si Francesca ay inamin nitong interesado siya sa pagkanta, pagsasayaw (kinukunan ang sarili ng video habang kumakanta at sumasayaw).

Isa sa idolo niya ang aktres na si Kathryn Bernardo dahil nagagalingan siyang umarte rito bukod sa iba pang talent ng Kapamilya actress.

May mga video rin daw siyang nagda-dubsmash, “Doon po nagsimula and I also idolized Ate Maine (Mendoza) kasi po lagi siyang nagda-dubsmash napapanood ko po siya,” kuwento ni Francesca.

Susog naman ni Abegail, “Hindi ko siya kailangang pilitin, eh, lumalabas ‘yung talent niya at gusto niya ‘yung ginagawa niya.

“Kaya bago kami pumirma sa contract ilang beses ko siyang tinanong at kinausap, ‘anak pag lumabas ka hindi maiiwasang mahusgahan tayo ng tao dapat ready ka emotionally. Dapat maging strong ka at huwag kang magpapa-apekto kahit na anong mangyari.’

“Like the other day kasi may mga nababasa na siya (bashing) at sabi naman niya, ‘I’m okay mommy, alam ko naman ang story n’yo (ng daddy Francis niya),” sabi ni Abegail.

Nabanggit din niya na sa edad na tatlo ay nakitaan na niyang may talent ang anak kaya’t nasambit din ni Julius na nasa dugo talaga ni Francesca ang pagpasok sa showbiz.

Nagulat din daw ang ina ng bagets nang mapanood niyang nagra-rap ito at hindi lang niya maalala kung sino ‘yung pinapanood ng anak at nang gawin ito ay talagang natuwa siya dahil ang bilis-bilis daw ni Francesca.

“Minsan nakikita kong pinapanood niya (MTV ni Francis) at ginagaya niya at nagulat na lang ako, nandoon lahat mga pictures namin na may dedications sa isang box (ng anak),” kuwento pa ni Abegail.

Nagpa-sample ng rap si Francesca at ang astig nga ng dating, manang-mana nga sa amang si Francis M.

Baka Bet Mo: Nagpakilalang anak ni Francis M walang paki sa bashers, tuloy ang pagpasok sa showbiz: ‘I am my father’s daughter!’

May mga larawang ipinakitang sanggol palang si Francesca na karga-karga siya ni Kiko at ikinuwento rin daw ng mga tito, tita at lola niya ang tungkol sa ugali ng daddy niya at kung gaano siya kamahal nito.

Sabi ng nanay ng bagets na si Abegail anim na buwan palang noon ang anak nila ni Francis nang pumanaw ang aktor at rapper.

Sa tanong ni Julius kung kinakausap ni Francesca ang ama, “I pray and talked to him.”

At nararamdaman naman daw nito na nasa tabi niya si Kiko, “Yung puso ko po hindi ko ma-explain. Kinukuwentuhan ko po siya about my days whether I’m doing good (or) whether I’m doing bad.”

Samantala, nagbilin daw si Francis kay Abegail na huwag itong mag-alala dahil nakakasa (sustento) na sila, bagay na hindi maintindihan naman ng ina ni Francesca dahil wala naman daw silang nakuha o natanggap noong namayapa na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kung darating ang araw na magkaroon ng tsansang magkita-kita sina Francesca at mga anak ng daddy niya, ang tanging hiling niya ay, “I hope you accept me, I don’t have bad intentions.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending