Lovi ibinandera ang 'magic abs' ni Benjamin: Natumpak n'yo ang tinutukoy ko! | Bandera

Lovi ibinandera ang ‘magic abs’ ni Benjamin: Natumpak n’yo ang tinutukoy ko!

Ervin Santiago |March 16,2021
facebook
share this

Lovi ibinandera ang ‘magic abs’ ni Benjamin: Natumpak n’yo ang tinutukoy ko!

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 09:37 AM

SUBOK na ang chemistry nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa screen dahil ilang beses na rin silang nagkasama mapa-telebisyon man o pelikula.

Kaya naman sa Kapuso primetime series na “Owe My Love,” natural na ang spark sa pagitan ng mga karakter na ginagampanan nila bilang sina Sensen at Doc Migs.

Hindi na rin naiilang pa si Lovi sa paghirit ng mga biro sa kanyang co-actor sa serye dahil nga super comfortable na sila sa isa’t isa, kumbaga wala nang hiyaan at ilangan — go lang sila nang go!

Sa kanyang social media post, humirit pa ang Kapuso actress ng,  “In fairness talaga kay papa Ben. May magic.”

Agad namang na-gets ng netizens ang biro ni Lovi at nagkaisa sa pagsasabing ang “magic abs” ng hunk actor ang nais nitong sabihin.

Kinumpirma naman ng “OML” ang actress ang hula ng kanyang social media followers, “Natumpak mo ang magic na tinutukoy ko!”

Parehong mahilig mag-work out sina Lovi at Ben at minsan nga ay nai-share nila sa isang interview na sinisimulan nila ang araw nila sa set sa pamamagitan ng pag-e-exercise.

Bukod sa health benefits, tila effective rin sa pagpapaganda ng serye ang positive outlook ng dalawa dahil talaga namang gabi-gabing sinusubaybayan ng publiko ang “OML.”

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng cast sa pag-portray ng kani-kanilang role.

Nariyan ang mainis na ang viewers sa kasamaan nina Divina (Jackielou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez). Lahat kasi ay gagawin ni Divina, mapunta lang sa kanya ang kayamanan ng mga Alcancia — kahit ikapahamak pa ito ni Lolo Badong (Leo Martinez).

Pero tila nawawala na naman si Lolo Badong dahil sa pag-atake ng kanyang dementia. Para mabawasan ang pag-aalala ni Migs (Benjamin), sasamahan siya ni Sensen (Lovi) sa paghahanap kay Lolo Badong na ikagagalit naman ni Trixie.

Ano na naman kaya ang problemang haharapin ni Sensen? Ang kanyang tatay naman na si Oryo (Pekto Nacua), talaga bang ‘changed man’ na? Sana naman dahil ang dami ng sakripisyo ng kanyang anak na si Sensen at ng kanyang asawang si Coring (Ruby Rodriguez).

Abangan din ang susunod na mangyayari sa pagitan nina Gwaps (Buboy Villar) at Evs (Kiray Celis)? May aamin na nga ba? Eh ang pagmamahalan nina Jenny Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Guttierez), hanggang saan kaya makakarating ngayong  nabuko na nila ang kanila-kanilang tunay na pagkatao at estado sa buhay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood gabi-gabi ang “Owe My Love”, sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending