Daniel Padilla binasag ang chikang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo, full support sa girlfriend

Daniel Padilla binasag ang chikang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo, full support sa girlfriend

Therese Arceo |November 11,2023
facebook
share this

Daniel Padilla binasag ang chikang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo, full support sa girlfriend

Therese Arceo - November 11, 2023 - 02:58 PM

Daniel Padilla binasag ang chikang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo, full support sa girlfriend

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

PINABULAANAN ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang chikang hiwalay na sila ng kanyang onscreen partner at longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Ilang araw na ring laman ng balita ang diumano’y break up ng dalawa matapos ang ilang taong relasyon.

At tuluyan na ngang binasag ni Daniel ang kanyang katahimikan at kinumpirma na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu ukol sa kanila ng kanyang nobya.

Pasimpleng pinabulaaanan ng binata ang chika nang ibahagi niya sa kanyang Instagram story ang video ni Kathryn para sa Preview kung saan siya ang cover ngayong buwan.

Kaya naman agad na nagdiwang ang KathNiel fans sa X (dating Twitter) dahil nananatiling matatag ang relasyon nina Daniel at Kathryn sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kanila.

Matatandaang mas lalong napg-usapan ang kaganapan sa relasyon ng dalawang Kapamilya stars nang ibalita ng talent manager na si Ogie Diaz na diumano’y hiwalay na ang dalawa.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bagamat sinabi nitong wala pang kumpirmasyon ang kanyang ibinalita ay maraming mga fans ang pumalag sa kanya.

Ang mas lalo pang nagpataas ng kilay ng mga supporters nina Kath at Daniel nang maiugnay ang huli sa kapwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Na-ispluk kasi ng isang source kay Ogie na patago raw na nagkikita ang dalawa.

At nitong Biyernes ng gabi, November 10, pasimpleng sinupalpal ni Daniel ang mga balita ukol sa kanila.

Kumalat rin ang screenshot ng netizen sa naging pag-uusap nila ni DJ kung saan pinuri niya si Kathryn at sinabing maganda ang kanyang girlfriend.

Maikling sagot ni Daniel, “I know.”

Hindi rin maiwasan ng mga KathNiel fans ang magpasaring kay Ogie dahil sa nauna nitong maiulat.

“ayan na ah? daniel padilla finally debunking the kathniel break up allegations. clear na rin naman na siguro na fake news yung b/lythe issue ano? mananahimik na ba mga marites? ikaw mananahimik ka na, @ogiediaz?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ogie Diaz ano na ? I-close nalang kasi ang mouth.”

“ogie diaz can cry in the corner because daniel padilla will never be his talent while all he can do is spread false information about him,” sey naman ng isa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel umaming inaatake ng kaba sa pagsasama nila ni Zanjoe sa pelikulang ‘Nang Mapagod si Kamatayan’

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros ‘confirmed’ na dadalo sa Asia Artist Awards 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending