Daniel umaming inaatake ng kaba sa pagsasama nila ni Zanjoe sa pelikulang ‘Nang Mapagod si Kamatayan’
TULOY na tuloy na ang gagawing pelikula ng magkaibigang Daniel Padilla at Zanjoe Marudo under Star Cinema at mula sa direksyon ni Dan Villegas.
Nagbigay ng update si DJ tungkol sa upcoming movie nila ni Zanjoe na may titulong “Nang Mapagod si Kamatayan” na base sa isinulat na kuwento ng ating National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee.
Kuwento ni Daniel, ngayong buwan ay nakatakda na silang sumabak ni Zanjoe sa isang look test na isa sa mga kailangang pagdaanang proseso ng mga cast members, lalo na ng mga bida.
“Mag-i-start na tayo ng look test. Du’n pa lang kasi nga niluluto talaga nang maigi (yung materyal at script),” ang pahayag ni DJ sa panayam ni MJ Felipe para sa ABS-CBN.
Sisimulan na raw nila agad ang shooting kapag na-finalize na ang script at ang mga makakasama nila sa pelikula.
Baka Bet Mo: Kim Atienza walang takot sa kamatayan, sa langit raw ang punta kapag pumanaw
“Gusto natin mag-offer ng maganda all the time, worth it all the time so ayun kailangan lang talaga latagin and plantsahin ‘yung kwento. Pero ito nandito na kami lahat malinaw na, excited na tayong tumakbo,” pahayag ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy na kuwento ni Daniel, “Sobrang excited na kaming dalawa (ni Zanjoe). Tuwing magkikita kami pinag-uusapan namin ang pelikula kung paano namin gagawin.
“And you know si Zanjoe napakahusay umarte nu’n. Ako pa ‘yung kinakabahan kung paano titimplahin,” pag-amin ng aktor.
Baka Bet Mo: Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?
Ang “Nang Mapagod si Kamatayan” ay magsisilbing comeback movie ni Daniel kaya naman magkakahalong emosyon daw ang kanyang nararamdaman para rito.
Sa isang hiwalay na panayam, inilarawan ni Daniel ang pelikula bilang isang mystery – kung saan tatalakayin ang iba’t ibang issue about love, friendship, and death.
“Nandu’n ‘yung comedy pero di siya slapstick na pagpapatawa. Nakakatawa ang buhay. Du’n siya. ‘Di siya slapstick,” sabi pa ni Daniel.
Pagbabahagi pa ni DJ, “Matagal na kaming nangangarap ni Z na gumawa ng pelikula. Ang dami na naming naiisip na gawin pero nu’ng binanggit ito sa akin at nalaman ko itong Nang Mapagod Si Kamatayan at inisip ko sino bang gusto ko makasama dito?
“Alisin na natin yung pagkakaibigan namin dito, bilang aktor na lang alam na natin si Z kung anong standard niya sa pag-arte, sa pagiging aktor niya.
“Kaya kesa isipin ko na dahil kaibigan ko siya o dahil magkasama kami, hindi, ‘yung kaledad nu’ng ginagawa ni Z kaya tinanggap namin siya dito,” mariing sabi ni Daniel Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.