Kim Atienza walang takot sa kamatayan, sa langit raw ang punta kapag pumanaw
HINDI nakararamdam ng takot sa kamatayan ang Kapuso TV host na si Kim Atienza.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Huwebes, March 30, aminado siya na hindi siya takot kung sakaling dumating na siya sa finish line ng buhay.
Kuwento ni Kuya Kim, ipalalabas raw ang kuwento ng kanyang buhay sa “Magpakailanman” at doon matatalakay ang near-death experiences niya.
Kaya naman hindi napigilan ni Tito Boy na tanungin kung sa ngayon ba ay ano ang kanyang pananaw ukol sa kamatayan.
“Hindi na ako takot mamatay, Boy. Ican die today… kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit,” saad ni Kuya Kim.
Naniniwala kasi siya na siguradong sa langit ang punta niya dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon.
“Because I accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins. I still sin, all have sinned and fall short of His glory. I still sin but I repent all the time,” lahad ni Kuya Kim.
Baka Bet Mo: Pamilya Magalona ginunita ang 14th death anniversary ni Francis M: ‘My love for you is undying, Pop! Rap in paradise’
Dagdag pa ni Kuya Kim, “Sigurado akong pupunta ako ng langit… not because of my doings, not because of mu works but because I have faith in him and because he died on the cross for me and that is the essence of the Gospel.”
Sabi pa nga ni Kuya Kim, kung sakaling alam niya kung kailan siya mawawala ay agad niyang pupuntahan at yayakapin ang kanyang maybahay na si Felicia Hung Atienza.
“Sasabihin ko kung gaano ko siya kamahal. Kakausapin ko mga anak kong nasa America sasabihin ko kung gaano ko sila kamahal.
“Pupuntahan ko magulang ko, lahat ng tao na pwede kong sabihan ng mahal na majal ko sila, sasabihan ko sila,” sabi pa ni Kuya Kim.
At kung mayroon pa raw siyang atraso kung kanino man ay hihingi siya ng sorry.
Well sa ngayon naman daw punto ng kanyang buhay ay wala siyang atraso sa mga tao. Ay kung meron man daw ay naayos na niya ito.
“Nung naging Kristiyano ako, ang dami kong taong kinausap, mga may atraso ako. Hindi nila alam kung bakit ko sila kinakausap pero alam ko lang may atraso ako sa kanila. I wanted to fix things,” hirit pa niya.
Mapapanood ngayong April 1 ang life story ni Kim Atienza sa “Magpakailanman”.
Related Chika:
Kuya Kim 2 beses nalagay sa bingit ng kamatayan: I don’t want to die yet…Lord, ikaw na ang bahala
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.