Kuya Kim 2 beses nalagay sa bingit ng kamatayan: I don’t want to die yet…Lord, ikaw na ang bahala
Kim Atienza
MALUHA-LUHANG ikinuwento ng TV host at tinaguriang trivia king na si Kim Atienza ang ilan sa mga pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay.
Knows n’yo ba na dalawang beses nang nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ni Kuya Kim? Una noong mabugbog siya sa Manila Hotel nang magkaroon ng kudeta at ikalawa nang ma-stroke siya at maparalisa ang mga kamay at paa.
Sa panayam kay Kuya Kim ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” kagabi, emosyonal niyang ibinahagi ang ilan sa mga challenges na hinarap at napagtagumpayan niyang lampasan, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Una niyang ikinuwento ang pagsubok sa relasyon nila ng asawang si Felicia, “My wife and I, we have a good relationship kaso first time namin nagkasama 24/7 (dahil sa pandemya).
“So, nagkaroon kami ng kaunting friction, only to find out na hindi lang pala sa amin nanggaling ‘yon,” sey ni Kuya Kim.
Dagdag pa ng bagong Kapuso talent, habang pauwi raw siya mula sa dati niyang trabaho, umiiyak daw niyang kinausap ang Diyos, “’Lord, I worship you in the light. But now that it’s dark, I continue to worship you. And I praise you and your praise shall forever be in my lips.’”
“Nag-away kami ni misis nu’n eh. ‘Di kami nag-uusap. On my bed, tinabihan ako ni misis. Without even talking, without even having to apologize, she just gave me a big big warm hug.
“And that’s when I felt na sabi ni Lord, ‘Kim, relax ka lang. Nandyan ako palagi.’ I really felt his presence. God has been so good to me that way. In whatever stage of my life, God makes himself felt so strongly and never have I felt him that strong than last year,” lahad pa niya.
Kasunod nito, nabanggit nga niya na dalawang beses nang nalagay sa peligro ang kanyang buhay, “I got born again twice. The first was physical born again when I had a stroke.
“Sabi ko sa sarli ko, ‘I’ll be the most fit Kuya Kim I can be.’ I got into running, cycling, at pumayat ako. At the height of my fitness, I couldn’t move my hands.
“They were paralyzed and then the next day, my toes were also paralyzed. Sabi ko, ‘Doc, what’s happening to me?’ ‘Kim, you have a rare disorder called Guillian-Barre syndrome,’” aniya.
Ang Guillian-Barre ay isang autoimmune disease na maaaring maging sanhi ng paralysis. Sabi pa ni Kuya Lim, “Kung hindi ako nagkasakit, hindi ko nakilala ang Panginoon.”
Noong nagtatrabaho naman siya bilang reporter, binugbog raw siya ng isang grupo ng mga sundalo dahil nga biglang nagkakudeta
“I was reporting everything. After 10 minutes, may tatlong sundalo kinwelyuhan ako. ‘Sumama ka. Huwag kang sumigaw dahil kapag sumigaw ka, papatayin ka namin.’
“Pagdating doon sa taas, ginulpi ako tapos pinapaamin kung saan ako nagtatrabaho, kung komunista ako. Sabi ko, ‘Hindi. I work with Father Reuter.’ Ipinakita ko yung I.D. ko,” pagbabahagi pa ni Kuya Kim.
Matapos gulpihin, ikinulong daw siya sa isang banyo at dito raw siya nakipag-usap sa Panginoon, “Lord, if it’s my time then get me.’ I don’t want to die yet. Bata pa ako. ‘Lord. ikaw na ang bahala.’”
At itinuturing daw niyang himala nang palayain daw siya ng mga sundalo makalipas ang tatlong oras.
Mensahe pa niya, “Accept Jesus Christ as Lord and Savior. My stresses, napagdaan ko na ‘yan. The peace that the Christian has is a peace that defies human understanding.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.