Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra | Bandera

Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 07:21 AM

Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

Kim Atienza at ang mga miyembro ng Team Choco Mucho Flying Titans

MARAMING kumampi at sumang-ayon kay Kim Atienza pero may mga kumontra rin sa kanya nang pagsabihan ang ilang professional volleyball players sa Pilipinas.

Dismayado ang kilalang Kapuso TV host at Trivia Master nang mapanood ang viral na video ng mga miyembro ng volleyball team na Choco Mucho Flying Titans.

Sa TikTok unang napanood ang nasabing video na kuha ng isang netizen kung saan makikita ang pangdededma ng grupo sa mga fans naghintay sa kanila sa Boracay.

Maririnig sa video ang pagbati at pagtawag ng mga naroon sa mga pangalan ng star players ng team habang pasakay sila sa kanilang service van, pero halos lahat sila ay parang mga bingi na tuluy-tuloy lang sa paglalakad kahit pa nire-request na ng mga nagbi-video sa kanila na lumingon at tumingin man lang sa camera.

Tanging si Bea de Leon lamang ang tumango sa mga taong nag-abang sa kanila pero hindi rin ito ngumiti o kumaway man lang.


Isa nga si Kuya Kim sa nag-react sa viral video at sa pamamagitan ng kanyang Facebook page kahapon ay inilabas niya sa publiko ang saloobin hinggil dito.

Ni-repost niya ang viral video na may caption na, “As public personalities, (yes athletes are also public figures), we have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder.

“This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately,” ang mensahe pa ng TV host.

Sabi pa niya, “What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys.”

Bago ang hugot ni Kuya Kim, nauna na ngang nagkomento ang motivational speaker na si Rendon Labador tungkol sa inasal ng volleyball team

Pagpuna niya sa mga player, “Sino po ang coach nitong mga ito? Dagdagan pa natin ng konti pang training sa good manners & right conduct.”

Ang iba pang miyembro ng grupo bukod kay Bea ay sina Deanna Wong, Kat Tolentino, Maddie Madayag, Desiree Cheng, Dennise Lazaro, Isa Molde, Odina Aliyeva, Jem Ferrer, Maika Ortiz, Regine Arocha, Pauline Gaston, Cherry Rose Nunag, Aduke Ogunsanya, Shannen Palec, Toni Rose Ponce at Caitlin Viray.

Samantala, iba’t iba nga ang naging reaksyon ng netizens sa naging pahayag ni Kuya Kim. May ilang fans ang naturang volleyball team na hindi sumang-ayon sa kanya. Narito ang ilan sa comments ng mga FB user.

“Sir Kuya Kim Atienza is one of the most approachable, magnanimous public figure i have ever met. sya pa mag mag sasabi sayo na ‘picture tayo?’ and would even be the one to take the photo/selfie. why? because he knows sometimes people are just too shy to ask for fear they would be rejected. After all, popularity comes from these people who constantly cheer us, happily watching at the sidelines kahit papunta na sa programa si Sir Kim, basta may oras pa, makikipag kwentuhan pa po sya sa staff and crew thats why everybody loves him.”

“Sports will never exist without spectators. Give back the favor by being nice. Keep that in mind.”

“It won’t cost them anything naman siguro kung mag hhi lang diba, some people defended the athlete’s behaviour pero simpleng hi lang naman eh.”

“I think it is also a form of arrogance for a fan to believe that an artist, athlete, or celebrity owes them anything. They will still be good with what they do without these fans. You are a fan, but you do not own them. Let them live a normal, peaceful life on and off the camera.”

“Just a simple hi will not cost them anything! Hayssss! TURN OFF! Boss D nyo and the rest of the team may attitude pala! (except BEA).”

“Hindi sila habang buhay sikat. malalaos din kyo kayo.whatever happen stay your feet on ground.”

“Any people with an ounce of rationality and understanding can respect na hindi sila obligated.  Hindi entitlement iyong ni-snub ka lang. Iyong entitlement is you think obligated sila everytime na entertain ka bilang fan nila.”

“They play volleyball not for the fans, but kasi gusto nila. They didn’t ask for fans.”

“Pls watch this (video na bumabati ang team sa fans) Kuya Kim Atienza and don’t judge the volleyball players based on just 1 video only. They’re also allowed to have time off. Thank you.”

“Do they play volleyball for fans? I’m not a fan of them or volleyball. But they are not obligated to entertain their fans 24/7. Telling them to stay out of the public eyes, what? do you want them to not have a life?  Hindi ba as fans (not a fan) of them you all should have an ounce of respect and understanding for their boundaries at times. So immature naman to call them out for such a small reason.”

Brenda Mage nakapagpatayo na ng malaking bahay, magpapagawa ng basketball at volleyball court para sa mga kapitbahay

Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela ‘natrauma’ sa naging experience sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending