Brenda Mage nakapagpatayo na ng malaking bahay, magpapagawa ng basketball at volleyball court para sa mga kapitbahay | Bandera

Brenda Mage nakapagpatayo na ng malaking bahay, magpapagawa ng basketball at volleyball court para sa mga kapitbahay

Therese Arceo |August 16,2022
facebook
share this

Brenda Mage nakapagpatayo na ng malaking bahay, magpapagawa ng basketball at volleyball court para sa mga kapitbahay

Therese Arceo - August 16, 2022 - 02:49 PM

Brenda Mage nakapagpatayo na ng malaking bahay, magpapagawa ng basketball at volleyball court para sa mga kapitbahay
PLANO ng komedyante at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Brenda Mage ang magpatayo ng basketball at volleyball court sa probinsya para sa kanyang mga kapitbahay.

Sa katunayan, kakatapos lang niyang makapagpatayo ng malaking bahay na inspiredu mula sa pinakasikat na bahay sa Pilipinas, ang PBB house kung saan siya nananatili ng ilang buwan at nitong August 9 ay nagdaos sila ng house blessing.

“Nag umpisa ang lahat sa pangarap, ngayon nagbunga na ang aking pagsisikap,” saad ni Brenda.

Dagdag pa niya, “Wag mong hayaan na ang iyong pangarap ay manatiling pangarap. Tagumpay ang plano.

Bukod sa pagpapalaki ng bahay ng kanilang pamilya, nais ri ni Brenda na makapagpatayo ng bahay para naman sa kanyang lola.

At nitong Linggo, August 14, ibinahagi niya ang iba pa niyang planong gawin sa kanilang malaking lote sa probinsya.

“Next project Basketball and Volleyball court para naman sa mga kapitbahay at kamag-anak ko na mahilig sa sports na alam kong gusto talaga nila dahil ako mismo during my childhood player din ako ng Basketball,” pagbabahagi ni Brenda.

Aniya, maganda rin itong libangan para sa kanyang pamilya at mga kapitbahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

“Magandang function din tong laro para maiwas [sila] sa mga masasamang bisyo,” pagpapatuloy niya.

Super happy naman ang mga netizens sa ibinahagi ni Brenda dahil marami ang magbe-benefit sakaling maipatayo ang naturang basketball at volleyball court.

“Wow! God will bless and provide you on all your life’s plan cause you have a good heart towards other people.. God bless you always,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Hello Ms Brenda isang kang tao na dapat tularan kasi you have a good heart,and you are humble person, hindi lang sa family mo kung tumutulong pati sa ibang tao, Ms Brenda more blessing to come and always healthy, God bless you and your family.”

May ilan pa ngang nagtutulak sa kanya na tumakbo raw bilang barangay captain ng kanilang lugar dahil sigurado raw na mananalo siya at mas makakatulong pa siya sa ibang kababayan niya.

Maski si Karla Estrada ay napa-comment rin sa post niya ng “love it”.

Sa ngayon ay nasa Cagayan de Oro si Brenda kung saan siya lumaki at nagdesisyon munang iwan ang showbiz.

Nitong nakaraang araw lang nang i-welcome ni Brenda ang kanyang boyfriend na si Gio Sta Ana na lumipad pa-Cagayan para muli silang magkasama.

Related Chika:
Pang-asar ni Brenda Mage sa mga ‘Marites’: Opo, miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Brenda Mage patuloy na binabanatan: May nagsasabi, sana ako na lang ang namatay kesa ‘yung mga sikat na vloggers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending