Brenda Mage sa PBB11 housemates: Siguruhing marunong kayong magsaing
PERSONAL na nagpunta ang komedyante at content creator na si Brenda Mage sa naganap na audition para sa bagong edition ng “Pinoy Big Brother.”
Naging isa sa mga celebrity housemate si Brenda Mage sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10″ na talaga namang gumawa ng ingay sa loob ng Bahay ni Kuya.
Kaya naman nagbigay ang komedyante ng isang ultimate advice para sa mga Pinoy na nagnanais na mapabilang sa mga bagong batch ng housemates na makakasali sa bagong season nito, ang “PBB Gen 11.”
Baka Bet Mo: Brenda Mage patuloy na binabanatan: May nagsasabi, sana ako na lang ang namatay kesa ‘yung mga sikat na vloggers
Nagsimula ang audition para sa next season ng “PBB” last weekend sa Robinsons Mall Novaliches na dinagsa ng mga kababayan nating nagnanais makapasok sa Bahay ni Kuya.
View this post on Instagram
At isa nga si Brenda Mage sa mga dating housemate na bumisita sa venue ng audition para magbigay ng inspirasyon sa mga auditionees.
Nakasama rin niya roon ang kapwa niya dating celebrity housemate na si Chie Filomeno, at isa pang produkto ng “PBB” na si Karina Bautista.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Brenda ng isang advice para sa mga masusuwerteng Pinoy na makakapasa sa audition – siguruhin lang daw na marunong kayong magsaing bago pumasok sa “PBB” house.
Baka Bet Mo: Brenda Mage, nag-alala sa pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette: Babalik na naman po sila sa umpisa
“Sa mga mag audition ng PBB siguraduhin nyo marunong kayo mag SAING nakakahiya naman manonominate lang kayo dahil di ka marunong,” ang hirit ni Brenda.
Agree naman ang mga netizens sa paalala ng komedyante dahil baka raw ma-evict agad ang mga housemates nang dahil lang sa hindi sila marunong magluto ng kanin.
Nauna rito, isa pang celebrity housemate ang nagbigay ng advice para sa bagong batch ng “PBB” contestants, yan ay ang online seller-turned comedienne na si Madam Inutz.
“Dapat magiging totoo. Kailangan talaga susunod ka sa mga patakaran, hindi lang sa patakaran, siyempre especially sa mga taong nakakatanda doon sa loob ng bahay,” sabi niya.
Paalala pa ng komedyana, “Kasi kapag hindi ka kumikilos, nakikita talaga ‘yan ng housemates, so talagang kailangan naming piliin ‘yung mga taong hindi talaga kumikilos
View this post on Instagram
“At yung nakikitaan namin na parang pa-chill-chill lang, tapos kami naghihirap, ganu’n!” ang punto pa niya.
Dagdag pa ni Madam Inutz, “So ang maipapayo ko, tumanggap ng kamalian, pangalawa siyempre kailangan masipag ka.
“Huwag kang magreklamo sa mga tasks, at siyempre sa mga housemates kailangang mabait ka at marunong kang makisama. ‘Yun ‘yung the best!” dugtong pa niyang chika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.