Brenda Mage sasabunutan ng netizens dahil sa afam sa SG

Brenda Mage gustong sabunutan ng netizens dahil sa nakilalang afam sa SG

Ervin Santiago |April 22,2024
facebook
share this

Brenda Mage gustong sabunutan ng netizens dahil sa nakilalang afam sa SG

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 07:46 AM

Brenda Mage gustong sabunutan ng netizens dahil sa nakilalang afam sa SG

Brenda Mage at ang afam na nakilala niya sa Singapore

MAKALIPAS lamang ang ilang linggo mula nang ibalita ni Brenda Mage na hiwalay na sila ng kanyang dyowa ay mukhang “in love” na naman siya.

Ibinandera ng komedyante sa social media ang afam o foreigner guy na na-meet daw niya habang nagbabakasyon sa Singapore.

“Is He the One? Ho i met Him in Singapore?” ang inilagay na caption ni Brenda Mage sa ipinost niyang video sa Facebook.

“Ang guwapo niya no? Feeling ko kami na talaga,” ang kinikilig pang hirit ng dating “Pinoy Big Brother” housemate.

Baka Bet Mo: Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat

In fairness, game na game naman ang afam sa panglalandi sa kanya ni Brenda Mage at talagang ibinigay pa ang kanyang social media platforms pagkatapos silang magpa-picture together.

Nakipag-selfie rin sa nasabing foreigner ang mga kasamang kaibigan ng former Miss Q&A contestant. Hirit na joke ng isang friend ni Brenda Mage, “Magpapasira na rin kami ng mukha ngayon.”


“Yeah, sa lahat ng mga nanonood ngayon, if you want to get some boys like that, just ruin and break your face like me!” ang natatawa namang hirit ni Brenda Mage.

Umani naman ng mga nakakalokang reaksyon mula sa netizens ang naturang post ng comedian. Karamihan sa kanila ay gustong saktan at sabunutan si Brenda Mage dahil sa kanyang “mahabang hair”.

“Itayo ang bandera ng Pinas!”

“Kakayanin, titiisin, hindi iiyak!”

“Go Brenda, kayang-kaya mo ‘yan!”

Baka Bet Mo: Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

“Isang Pinay na naman po ang mawawarak hahaha.”

“Nasa afam ang forever talaga Brenda.”

Kamakailan lamang ay inamin ni Brenda Mage na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana.

Sa Facebook binandera ni Brenda ang kanyang video na nakahiga sa kama at yakap-yakap ang isang teddy bear na iniregalo sa kanya ng ex-boyfriend, pati na rin ang isang unan na may mukha ni Gio.

Caption niya, “Dito nalang.. Salamat sa 22 months nating dalawa at sa masasayang alaala (weary face emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganyan talaga ang buhay. May mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin na hanggang doon nalang tayo, hanggang dito nalang,” sey pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending