Maymay Entrata hiwalay na sa dyowang afam, nakiusap: Be kind

Maymay Entrata hiwalay na sa dyowang afam, nakiusap: Be kind

Therese Arceo |April 02,2024
facebook
share this

Maymay Entrata hiwalay na sa dyowang afam, nakiusap: Be kind

Therese Arceo - April 02, 2024 - 03:48 PM

Maymay Entrata hiwalay na sa dyowang afam, nakiusap: Be kind

TULUYAN na ngang kinumpirma ng Kapamilya actress-model na si Maymay Entrata na hiwalay na sila ng kanyang foreigner dyowa na si Aaron Haskell.

Marami kasi ang naka-misinterpret sa kanyang naging post nang ibahagi niya ang kanyang Christian baptism nitong Easter Sunday, March 31.

May mga nagsasabi kasi na ang tinutukoy ni Maymay na “I took a wrong path again nung 2021” ay tumutukoy kay Aaron.

Ngunit nilinaw ng Kapamilya actress na wala itong katotohanan.

Baka Bet Mo: Maymay Entrata bininyagan nitong Easter Sunday; may kakaibang napansin sa video

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Saad ni Maymay, “Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag explain ng konti about dun sa last post ko sa IG.

“‘I took a wrong path again nung 2021’ it was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love.”

Hindi na ibinahagi pa ni Maymay kung ano ang traumang binanggit na naging dahilan kung bakit nakasakit rin siya ng iba.

Kasunod naman nito ang tuluyang kumpirmasyon niya na wala na sila ng kanyang Canadian dyowa.

“I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him, pakiusap ni Maymay.

Dagdag pa niya, “From the bottom of my heart maraming salamat po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang kumalat ang chika na baka hiwalay na sila nitong Marso 2023 matapos mapansin ng mga netizens na tila hindi na nagpo-post si Maymay kasama si Aaron.

Bukod pa rito ay may nag-check rin ng kanilang Inatagram at nakitang hindi na niya ito pina-follow.

At matapos nga ng dalawang taong pagsasama ay tuluyan nang naghiwalay ang dalawa na unang ibinandera ang pagmamahalan sa madlang pipol noong February 2022.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending