Maymay Entrata, Canadian BF naka-unfollow na isa't-isa sa IG

Maymay Entrata, Canadian BF naka-unfollow na isa’t-isa sa IG, hiwalay na?

Reggee Bonoan |March 01,2024
facebook
share this

Maymay Entrata, Canadian BF naka-unfollow na isa’t-isa sa IG, hiwalay na?

Reggee Bonoan - March 01, 2024 - 07:43 AM

Maymay Entrata, Canadian BF naka-unfollow na isa't-isa sa IG, hiwalay na?

Maymay Entrata Aaron Haskell

NASULAT naming dito sa BANDERA kamakailan ang tungkol sa aktres na on the rocks ang relasyon sa dyowang foreigner na hindi muna naming pinangalanan.

Nabanggit naming na hindi pa naamoy ng netizens na hiwalay na si Maymay Entrata sa kanyang Canadian boyfriend kasi nga hindi naman nagsasalita ang singer-actress at higit sa lahat ay okay naman sila ni Aaron Haskell.

Busy kasi ang dalawa at para mag-work out ang relasyon nina Maymay at Aaron ay kailangang mag-stay ng una sa Canada na ginawa naman niya for a while, pero hindi naman siya pwedeng doon na siya for life dahil nandito ang trabaho niya bilang singer-actress.

Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Ilang beses nang nasulat ng patanong kung hiwalay na sina Maymay at Aaron bagay na walang sagot na makuha kaya marahil ay nilagyan na nila ng tuldok dahil hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram account bilang patunay na hiwalay o hindi na sila okay.

Alam naman sa showbiz na kapag nag-unfollow na ang isa’t-isa sa social media accounts ay waley na o the end na ang relasyon.

Anyway, abala ngayon si Maymay sa bago niyang single under Star Music.

Waiting din ang lahat sa kanyang official statement tungkol sa paghihiwalay nila ng Canadian boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending