Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine's Day: Happy birthday my Valentino! | Bandera

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Ervin Santiago |February 14,2022
facebook
share this

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 11:38 AM

Maymay Entrata at non-showbiz boyfriend

SUPER proud na ibinandera ng Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata ang kanyang boyfriend ngayong Valentine’s Day.

Sinorpresa ng dalaga ang kanyang mga kaibigan sa showbiz, mga fans at social media followers sa mismong Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanyang foreigner na dyowa.

Ipinost ni Maymay sa Instagram ang sweet photo nila ng non-showbiz guy na may simpleng caption na, “Happy Birthday my Valentino.”

In fairnes, sunud-sunod ang comments ng mga friends ni Maymay in and out of showbiz sa pasabog niyang post at “dyowa reveal.”

Una na nga riyan si Angelica Panganiban na tuwang-tuwa sa young actress. Pagbati niya kay Maymay, “Ganyarn!!!! Happy Valentines.” 

“OMG!!! Hala! Ngiga sa pagkagwapa sa akong miga oi! Grabe man na. Maka happy mana miga! Happy Vday miga!” hirit naman ni Kim Chiu.

Ang iba pang napa-react sa IG post ni Maymay ay sina Dimples Romana, Maja Salvador, McCoy de Leon, Elisse Joson  Janella Salvador, Bianca Gonzalez, Chie Filomeno, Jayda Avanzado at Mimiyuuuh.

Matatandaang April last year nang aminin ni Maymay ang tunay na estado ng kanyang lovelife, “Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga tagasuporta.”

Bago ito, naglabas din siya ng official statement tungkol sa real score sa pagitan nila ng ka-loveteam na si Edward Barber, pati na rin sa kaibigan niyang si Donny Pangilinan.

“Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man. Wala po kahit sino sa showbiz, wala.

View this post on Instagram

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


“Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nag-e-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry. 

“Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz,” paliwanag ng dalaga.

Bakit walang plano sina Maris Racal at Rico Blanco para sa Valentine’s Day?

Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Maymay hindi payag na magpakita ng motibo sa taong gusto n’ya: Ayaw kong manligaw kahit hindi ako kagandahan, bahala kayo d’yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending