Brenda Mage ipinangalan sa mga dating dyowa ang pet dogs

Brenda Mage ipinangalan sa mga dating dyowa ang pet dogs: Meet my exes!

Pauline del Rosario |April 18,2024
facebook
share this

Brenda Mage ipinangalan sa mga dating dyowa ang pet dogs: Meet my exes!

Pauline del Rosario - April 18, 2024 - 01:28 PM

Brenda Mage ipinangalan sa mga dating dyowa ang pet dogs: Meet my exes!

PHOTO: Screengrab YouTube/Brenda Mage

SINO sa inyo ang hirap na hirap magbigay ng pangalan tuwing magkakaroon ng bagong fur babies?

Good vibes ang hatid ng latest YouTube vlog ng komedyante na si Brenda Mage na ipinangalan sa kanyang mga dating dyowa ang bagong puppies matapos manganak ang pet dog niyang mixed breed.

“I would like you to meet my exes!” bungad ni Brenda sa kwela niyang video.

Biro pa niya, “Ipapakilala ko sa inyo ang aking mga exes, ang mga lalaki sa buhay ko.”

At ito ay inisa-isa na nga niya at binanggit ang pangalan ng lahat ng mga naging ex-boyfriends niya na sina Alejandro, Ariel, Jerson, Kelvin at Gio.

Baka Bet Mo: Brenda Mage patuloy na binabanatan: May nagsasabi, sana ako na lang ang namatay kesa ‘yung mga sikat na vloggers

Medyo naiba lang ‘yung sa huling ex-dyowa niya dahil ginawa niya itong “Gia” bilang babae ang bunsong fur baby niya.

“Siyempre, siya ang latest ex ko, si Gio. Since babae siya, ang pangalan niya ay Gia,” paliwanag niya.

Bandang huli, ibinunyag ng komedyante na matagal-tagal siyang mawawalay sa kanyang mga alaga dahil magkakaroon siya ng bagong proyekto dito sa Manila.

Para sa mga hindi aware, ang “Hinaguan Farm” ni Brenda ay nasa Misamis Oriental na kung saan ay doon din siya naninirahan.

“Nakakalungkot kasi three months (ako mawawala sa farm). Ayoko talaga umalis ng farm ng matagalan, but kailangan ko talagang gawin ‘to kasi meron akong pina-prioritize na trabaho sa Manila. May something akong gagawin sa Star Magic,” ani ni Brenda sa vlog.

Magugunita noong April 6 nang ibinalita ng comedian-actor na hiwalay na sila ni Gio Sta. Ana makalipas ang halos dalawang taon. 

Sey ni Brenda, “May mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin na hanggang doon nalang tayo, hanggang dito nalang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa love team nila na BrenGio. 

“I hope, you continue to support us kahit magkahiwalay na kami ng landas. I’m so grateful na kasama namin kayo sa journey namin together. I love you so much BrenGio supporters and BrenGio is signing off,” panawagan niya sa fans.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending