Brenda Mage patuloy na binabanatan: May nagsasabi, sana ako na lang ang namatay kesa ‘yung mga sikat na vloggers | Bandera

Brenda Mage patuloy na binabanatan: May nagsasabi, sana ako na lang ang namatay kesa ‘yung mga sikat na vloggers

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 11:34 AM

Brenda Mage at Gio Sta. Ana

DASAL ng Kapamilya comedian na si Brenda Mage na sana’y mapatawad at makalimutan na ng madlang pipol ang mga nagawa niyang sablay sa loob ng “Pinoy Big Brother” house.

Ayon sa komedyante na hanggang ngayon ay bina-bash at binabastos pa rin ng mga haters sa social media, sinusubukan na raw niyang magbago.

Sabi pa ni Brenda, tanggap naman niya ang panlalait at pang-ookray sa kanya ng mga netizens sa social media dahil alam niyang nagkamali siya.

Sa vlog ng news anchor na si Karen Davila, naglabas ng saloobin ang former “PBB” season 10 celebrity housemate tungkol sa nararanasang pamba-bash sa socmed.

“Okay po ako. Kaya ko naman i-handle ‘yung bashers pero ‘yung depressed ko po na maraming nagsasabi na tanggalin daw nila ‘yung account ko kasi ito po ‘yung bread and butter ko eh.

“Tapos alam ko naman na sa content ng vlog ko kabulastugan, kabastusan, o kalokohan, may namba-bash na sa akin dati pa,” pahayag ng komedyante.

Dugtong ni Brenda, “May mga nagsasabi nga na ako na lang namatay kaysa ‘yung mga sikat na mga vlogger na namatay. Sana ako na lang daw madisgrasya.

“Tinanggap ko ‘yun. Okay lang po sa akin ‘yun. Kaya ‘yung pamba-bash nila sa akin okay lang po ‘yun pero ‘yung baka mawala ‘yung ano ko, social media ko, ‘yun lang po ‘yung bread and butter ko, eh,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


Inamin naman niya na isa sa pinakabonggang blessing na natanggap niya sa buhay ay ang maging housemate ni Big Brother.

“Parang feeling ko sa lahat ng na-achieve ko sa buhay, ngayon ang pinaka-achievement ko na talaga na talagang akala ko imposibleng mangyari is maging housemate. May regrets po? Wala naman kasi pinangarap ko po ito, since 2010 nag-audition na po ako, four times na.

“Ngayon lang po ako nakuha, sa celebrity pa ako nalagay. ‘Yun ‘yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap na gusto mong maabot, kapag nakuha mo na ay magiging masaya ka, fullfilled ka,” paliwanag ng komedyante.

Samantala, super happy naman si Brenda ngayon dahil may bago na siyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Nasaktan at nalungkot siya sa mga past relationship niya pero marami raw siyang natutunan dito.

“‘Yun din ang nagpa-realize sa akin na huwag mo nang i-push kung hindi naman para sa ’yo. Ngayon na ibinigay sa akin mas nag-focus ako roon sa ‘OMG, para sa akin nga ‘yung PBB and thank you Lord, binigay niyo po sa akin’ ‘yun pala lesson ‘yun sa akin na ‘meron ka na, eh.’

“Na-achieve mo na, successful ka na. Akala ko kasi ‘yun last na gift ni Lord is ‘yung dyowa ko. Settled na pamilya ko, may bahay na kapatid ko, may negosyo na sila, ako na lang ‘yung wala, tapos dumating ‘yung dyowa ko,” aniya pa.

Isa pa sa mga natutunan niya nitong mga nagdaang buwan, “Minsan, kahit sabihin mo na nagpakatotoo ka bilang ikaw, i-consider mo rin na hindi lahat maganda ang paningin ng iba. Kailangan mo ring i-adjust ‘yung sarili mo, ‘yung ugali mo dahil alam mo rin na hindi rin siya appropriate sa ibang tao.”

Hiling pa niya, “Sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko ‘yung mga nangyari na that time. Nagbabago naman na ako o iniiwasan ko kahit paano or as much as possible, Marites man ako rito, wala na akong aapakan na tao o sisiraing tao.

“Kahit sarili ko na lang sirain ko kasi gusto ko happy ako sa mga vlogs ko kasi ‘yun ang binibigay kong happiness sa ibang tao. Sana mapagbigyan na nila ako, hindi ko alam kung kailan pero sana one day,” pagsusumamo pa ni Brenda na itinanghal na 5th placer sa “PBB” season 10 kung saan nagwagi bilang big winner ang kapwa celebrity housemate na si Anji Salvacion.

https://bandera.inquirer.net/302090/pagkatalo-ni-brenda-mage-sa-pbb-10-ikinatuwa-ng-netizens-yan-ang-tinatawag-na-karma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302133/brenda-mage-nag-sorry-sa-mga-nasaktan-lahat-ng-salita-at-aksyon-ko-ay-sumasalamin-sa-aking-pagmumukha-at-pagkatao
https://bandera.inquirer.net/301005/ano-ang-pinakamahal-na-regalo-na-ibinigay-ni-brenda-sa-kanyang-dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending