Heaven, Marco binalikan ang mga alaala sa Bahay ni Kuya; magkaiba ang pananaw sa pagsali sa reality show
INALALA ng rumored couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo ang naging buhay nila noong maging housemates sa “Pinoy Big Brother Lucky Season 7”.
Sa nakaraang presscon ng kauna-unahan nilang pelikula under Viva Films, ang “The Ship Show” na tatalakay sa mga tunay na nagaganap sa isang reality show, binalikan ng magka-loveteam ang ilang karanasan nila sa loob ng Bahay ni Kuya.
Pahayag ni Heaven, “Iba kasi sa reality show. Maraming factors kung bakit ganun ‘yung mga reaksyon ninyo. And reality show hindi naman siya 24-7 talaga na nakikita ng mga tao.
View this post on Instagram
“And if you think na kilala mo na yung sarili mo talaga, if you think na mahaba ang patience mo and if you’re goal oriented, then pwede kang pumasok ng reality show,” ang paalala ng dalaga sa mga balak mag-join sa mga reality show.
Dagdag pa ng aktres, “Pero kung hindi ka pa emotionally stable, I think it’s hard kasi paglabas mo ng reality show minsan sa sobrang hindi mo kilala ‘yung sarili mo and maraming nagdi-dictate kung alin ang nakita nila sa reality show, mahirap, masakit.”
Para naman kay Marco, “I have to disagree with that. But the whole point about reality shows is you have to be perfect for you to be one of them. You just have to be yourself and the thing is, sometimes you don’t discover yourself yet.
“But that’s the whole point, ‘yung journey where you discover yourself, you grow with it, and it’s a unique experience not everyone gets through experience that. And I think we’ve learned a lot from that,” dagdag pa niya.
Samantala, itinuturing na isa sa mga breakout loveteam ngayong 2023 na nagpakilig sa kanilang hit series na “The Rain in España” ang tambalan nina Marco at Heaven na “MarVen” at muli ngang magtatambal at dadalhin ang kanilang chemistry sa big screen.
Baka Bet Mo: Camp Big Falcon na gagamitin sa ‘Voltes V’ ng GMA singlaki ng 4 na basketball court
Isang romantic-comedy movie mula kay Jason Paul Laxamana, ang “The Ship Show” ay tungkol sa twelve participants na hinati sa six pairings para sumali sa isang reality show at maging next big love team ng bansa.
View this post on Instagram
Kilalanin ang anim na love team ng The Ship Show, ang unlikely pairing ng introvert na si Araw (Marco) at ng masayahing si Chia (Heaven), ang cheerful duo na sina Nestor (Tomas Rodriquez) at Tintin (Ashtine Olviga), ang sexy at oozing with confidence pair-up nina Ashley (PJ Rosario) at Belline (Angelic Guzman), ang mag-ex na si Buddy (Rabin Angeles) at Shey (Bianca Santos), ang music lovers na sina Elbrich (Migo Valid) at Marge (Janine Teñoso), at ang “brainy love team” nina Monti (Martin Venegas) at Amor (Madelaine Red).
Sa mga haharapin nilang tasks, dapat mahuli nila ang kilig at makuha ng mga couple ang boto ng mga shippers para malampasan ang lahat ng elimination round. At kagaya ng kahit anong kompetisyon, mas magiging mahirap ang bawat challenges sa pagpapatuloy ng show na susubok sa tibay ng lahat ng couples.
Panoorin kung paano babaguhin ng show ang mga buhay nila at kung paanong ang mga onscreen team-ups ay mauwi sa real feelings. Tama ba sila ng mga piniling partner?
O, mas bagay ang iba sa ibang participants? Sinong love team ang unang matatanggal? Sino ang aabot hanggang sa dulo? Kaninong ship ang lulubog? Kaninong ship ang maglalayag?
Makakasama rin sa pelikula ang ilan sa mga promising talents ngayon na sina Tomas Rodriguez, Ashtine Olviga, PJ Rosario, Angelic Guzman, Rabin Angeles, Bianca Santos, Migo Valid, Janine Teñoso, Martin Venegas at Madelaine Red.
Ang young cast na ito ay magandang addition sa chemistry nina Marco at Heaven, at siguradong mag-aambag sa excitement, saya, at kilig sa storya.
Ang pelikulang ito ay mula sa multi-awarded director na si Jason Paul Laxamana na kilala rin sa paggawa ng mga hit romantic movies na may mga relate na relate na hugot lines gaya ng “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentine’s.”
Mula sa Viva Films, MarVen fans, ready na ba kayo? Let love sail at panoorin na ang “The Ship Show” sa mga sinehan simula sa August 9.
Ruru Madrid binansagang ‘Trending King’; hataw na sa Lolong, nagba-viral pa sa ‘Running Man PH’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.