Marco Gallo niyaya ng ‘official date’ si Heaven Peralejo, may relasyon na nga ba?
KILIG to the max ang maraming fans sa reel couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo o mas kilala sa love team na MarVen.
Ito ay dahil sa kanilang first-ever official date!
Sa Instagram, ibinandera ng aktor ang isang video na kung saan ay inaya niyang makipag-date sa kanya ang katambal.
“A night to remember,” caption pa niya sa post.
Noong July 21 ay nagkaroon ng surprise appearance ang aktor sa isang event na kung saan ay isa sa mga guest performer si Heaven.
Pagkatapos kumanta ng aktres ay bigla siyang pinuntahan ni Marco sa stage at lakas loob siyang nagpahayag ng kanyang date proposal.
“To whomever it may concern, I’m just here to perform one of the many acts of love,” panimula ni Marco.
Sey pa niya, “Since this gorgeous lady has been giving us such a sweet night, I believe, it would be nice to offer her one as well. Just to be fair.”
“Since you’ve been working so hard lately, like every single day, how does a dinner tonight for the two of us sound to your ears, aking binibini?,” diretsahang tanong niya kay Heaven.
Agad naman siyang sinagot ng aktres ng, “Why not? Let’s go!” dahil akala niya ay isang friendly date lang ang alok sa kanyang ni Marco.
Ngunit agad naman itong nilinaw ng aktor at sinabing, “It’s a date, our official first date. How does that sound?”
Patuloy pa niya, “I hope you can wear the beautiful dress I prepared for you. I hope you can join me and let your voice be music to my ears for the rest of the night.”
Tila kinilig naman ang aktres sa sinabi ni Marco at sinabing, “Yes, I will go out on a date with you.”
View this post on Instagram
Sa hiwalay na IG post ay proud namang ipinakita ni Marco ang fancy date nila ni Heaven na kung saan ay kumain sila sa isang fine-dining restaurant.
View this post on Instagram
Libo-libong netizens naman ang napa-comment at kilig na kilig sa dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Naks! Sa hinaba-haba ng PBB nag-end game pa rin kayo [red heart emojis].”
“Pwedeng pang pelikula ang lovestory nitong MARVEN [red heart emoji] I’m so happy for the both of you.”
“Parang iba na to, hahahaha! Kilig!! Enjoy the moments together!! [red heart emojis]”
Magugunitang unang nagtambal ang dalawa sa hit teen romance series na “The Rain In España.”
May upcoming film din sila together na pinamagatang “The Ship Show” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa August 9.
Related Chika:
Marco Gallo nainis ba kay Kuya Kim matapos ang comment nito sa mensahe kay Kisses?
Julia umamin: Na-miss ko pala ‘yung part na ‘yun tungkol sa sarili ko…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.