Awra Briguela 'natrauma' sa naging experience sa panonood ng UAAP Women's Volleyball | Bandera

Awra Briguela ‘natrauma’ sa naging experience sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball

Therese Arceo |June 24,2022
facebook
share this

Awra Briguela ‘natrauma’ sa naging experience sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball

Therese Arceo - June 24, 2022 - 09:44 AM

Awra Briguela 'natrauma' sa naging experience sa panonood ng UAAP Women's Volleyball

HINDI naging maganda ang experience ng actor-vlogger na si Awra Briguela nang manood ito ng UAAP Women’s Volleyball sa MOA Arena nitong Martes, June 21.

Naloka kasi siya nang malamang nawawala na pala ang cellphone ng kanyang kasama nang hindi nila namamalayan.

Sa Twitter ay sunod-sunod ang naging panawagan ni Awra ukol sa nawawalang cellphone at nagbabakasakaling ma-trace kung sinoman ang salarin sa pagnanakaw.

“Sa lahat po ng may video ko sa moa kanina after game kindly send me the video nanakawan po kase kasama ko ng phonr and cash habang madaming nagpapapicture. DOOR 218 po ako nun thank you po,” paglalahad niya.

Mapag-alaman rin niya na hindi lang pala sila ang nabiktima dahil marami rin sa mga kasama niyang nanonood ang nanakawan.

“End up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. So please po pa send ng video ramd ko po na videohan talaga yung nagnakaw,” dagdag ni Awra.

 

Hindi na rin napigilan ni Awra ang maglabas ng sama ng loob dahil sa naging experience niya habang sa kanyang panonood.

Aniya, “Grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka trauma. ang babastos na malikot pa kamay.”

Ang naging modus raw ng magnanakaw ay dahil sa dami ng nagpapa-picture, sinasamantala raw ng magnanakaw habang nagkakagulo at doon na pasimpleng kumukuha ng gamit.

“Ayaw mag si pag trabaho ng maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa,” dagdag pa ni Awra.

Sa sumunod nitong tweet ay sinabi niyang handa siyang magbigay ng pera para sa taong magbabalik sa kanya ng cellphone lalo na’t may mga mahahalagang files na rito.

Willing rin siyang doblehin ang nakuhang cash sa kasama at nangakong hindi ie-expose kung sakaling ang magnanakaw.

“Again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kasi hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo. Yung 5k na nakuha den dodoblehin ko. You can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang daming important files sa phone,” pakiusap ni Awra.

Sinabi rin niyang hindi na rin daw mapakikinabangan ang mismong phone sakaling i-lock na ito ng Apple kaya mas maigi na lang na isauli ito sa kanila.

Wala namang update kung naibalik na nga ba ang nanakaw na cellphone ng kanyang kasamahan o nananatili itong nawawala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending