Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan Bandera

Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

Therese Arceo |May 13,2022
share this

Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

Therese Arceo May 13, 2022 - 09:17 AM

Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

PATUTSADA nga ba para sa Ex-Battalion member na si Skusta Clee ang mga pahayag ni Awra Briguela sa kanyang social media accounts?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos nilang mabasa ang tweet ng komedyante at performer noong Miyerkules, May 11.

“Kapal din ng mukha nung isa dyan na maglalabas pa ng kanta pagkatapos niya gawin lahat ng kagaguhan niya,” saad ni Awra.

Aniya, may nalalaman pa itong pakumpisal na inabot pa ng ilang araw kahit hulin huli na sa akto.

“Kumpisal pa nais mo eh inabot ka nga ng dalawang araw bago ka umamin kahit huling huli kana,” dagdag ni Awra.

Kaya naman mas lalong lumakas ang kutob ng mga netizens na si Skusta Clee nga ang pinatatamaan nito base na rin sa mga sinabi nito sa kanyang panayam kay Toni Gonzaga sa digital show nitong “Toni Talks” kung saan inamin niya na isa na siyang single mother.

 

 

Base kasi sa naturang interview ay madalas na ang pag-aaway nina Zeinab at Skusta kahit na alam nitong buntis siya sa ikawalang anak nila.

Nakwento rin ni Zeinab na ilang beses niyang tinanong si Skusta kung ano ang totoo pero palagi rin itong nagdedeny hanggang sa isang araw daw ay umamin na ito sa kanyang ginagawang mga kasalanan.

Si Zeinab ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Awra kaya naman hindi ito masisisi dahil saksi siya sa hirap at sakit na dinanas ng naturang social media personality.

Marami rin sa mga netizens ang sumang-ayon sa naturang tweet ng anak-anakan ni Vice Ganda.

“Halatang pinagkakaperahan lang ni Skusta yung kanta niya na ginawa uli para kay Zeinab, di na nahiya haha mahiya ka naman skusta niloko mo na ung partner mo, nanay ng anak mo tapos naaatim mo pang pag kakitaan talaga pangalan ni zeinab sobrang nakakaloka anung utak meron ka kuya hahaha,” saad ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “Mag dedeny pa diba kunyare walang babae pero meron pala kahit anong gawin mong palusot mahuhuli at mahuhuli ka parin ni ate zebby.”

“Nasaktan at nasira nya na yung binuo nilang pamilya pagkakakitaan pa tigas ng mukha mo Skusta!” hirit naman ng isa.

 

Related Chika:
Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending