Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang 'the one', pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya? | Bandera

Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya?

Ervin Santiago |September 10,2023
facebook
share this

Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya?

Ervin Santiago - September 10, 2023 - 07:54 AM

Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang 'the one', pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya?

Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Tony Labrusca, JC de Vera at Jane Oineza

PARA sa Kapamilya actress na si Ria Atayde, itinuturing na niyang “the one” ang kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Hindi naman daw sila mag-aaksaya ng oras at panahon ni Zanjoe kung hindi nila nakikita ang isa’t isa bilang partners in life na panghabangbuhay.

“I mean I wouldn’t invest this much time if I didn’t think he wasn’t the one,” pahayag ni Ria nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa naganap na mediacon ng ABS-CBN hit series na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

At sa tanong kung may timeline ba siya pagdating sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya, “Ayaw ko po ng timeline, wala po.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Basta day-by-day tayo. Right now I am enjoying this teleserye, I am enjoying my work and whatever comes will come,” tugon ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Hindi rin isinasara ni Ria ang posibilidad na muli silang magkasama sa isang proyekto ni Zanjoe pero, “I mean right now we are still enjoying I think outside of it. So I don’t know if we will get there.

“I feel like it’s something that we’d both be open to working together. Pero siguro ngayon okay lang, enjoy muna namin outside of work,” dagdag pa niya.

Natanong din si Ria kung ano ang reaksyon ni Zanjoe sa mga maiinit na eksena nila ni Tony Labrusca sa revenge drama na “Nag-Aapoy Na Damdamin” kung saan gumaganap silang mag-asawa.

“I think hindi niya po talaga napanood. Okay lang po ‘yon. I feel like everybody has a different way to deal with scenes like that.

Baka Bet Mo: Zanjoe 15 years na sa showbiz: Ang tagal na pala…mahal na mahal ko yung ginagawa ko

“Kasi kung ako rin ‘yung nasa position parang pipiliin ko na lang na huwag panoorin, para hindi ko na maisip. Bakit pa? Okay na ‘yon,” paliwanag ng dalaga.

“Basta alam niya na nangyayari ‘yung mga ganung scenes. And we do shoots sinasabi ko, nakunan na namin, ganu’n,” dugtong ni Ria.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)


Samantala, lalong nag-iinit ang panghapong teleserye na “Nag-Aapoy Na Damdamin” dahil sa nalalapit na paghaharap ng mga bida nitong sina Jane Oineza (Olivia/Claire), JC de Vera (Philip), Ria Atayde (Melinda), at Tony Labrusca (Lucas) kung saan unang masisilayan ni Lucas si Claire bilang asawa na ngayon ng mortal niyang kaaway na si Philip.

“Pa-intense pa nang pa-intense. Ito na yung tapatan talaga naming apat. Nandiyan na yung sagad na gantihan,” chika ni Jane.

Kwento rin ng Kapamilya actress, bagamat naging mabuti siyang asawa ni Philip, handa na siya ngayong gawin ang lahat para manumbalik ang kanyang alaala kahit pa itago niya ito sa asawa.

Aniya, “Lalabas na unti-unti yung alaala ko. Lalabas na rin yung pagiging palaban ni Claire as a person.”

Guguho naman ang relasyon ng mag-asawang Buencamino dahil sa mangyayari na ang pinakakinatatakutan ni Melinda.

“Ayun na nga, ito na nga yung pinaka-ayaw na mangyari ni Melinda so nandito na tayo. So ngayon, Melinda will try to do whatever she can para ma-preserve yung marriage nila ni Lucas,” pagbabahagi ni Ria.

Para kay Tony, panibagong paghihirap ang haharapin ng kanyang karakter bilang Lucas sa pagkikita nila ni Claire.

“Mawawala na naman si Lucas sa sarili niya kahit ayaw rin naman niyang sadyang saktan si Melinda,” ani Tony.

Sa bagong kabanata ng teleserye, maiipit naman si Philip sa dalawang mahalagang bagay sa buhay niya ayon kay JC.

“Sa lahat ng paghihiganting ginagawa ko ngayon, nakaramdam ako ng sobra-sobrang pagmamahal kay Claire na hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko, revenge pa rin sa mga Buencamino o ipagpatuloy ang pagmamahal kay Claire. Si Philip ngayon caught up in the middle siya,” paliwanag ni JC.

Abangan ang matinding tapatan sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot na 3:45 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending