Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: 'Masyado pang maaga' | Bandera

Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 08:11 AM

Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: 'Masyado pang maaga'

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

CONFIRMED! Magdyowa na nga ang Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Mismong si Zanjoe na ang nagbandera sa tunay na lagay ng kanyang puso — yes, si Ria nga ang bagong girlfriend niya ngayon makalipas ang ilang taong pagiging single.

Diretsahan itong inamin ng award-winning actor sa panayam ni Karen Davila sa programang “Headstart” sa ANC kahapon, January 17, kung saan nag-promote siya ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang “Dirty Linen” kasama si Janine Gutierrez.

Ang tanong ni Karen sa kanya, “I heard you were in a relationship right now. Kay Zanjoe muna tayo, you’re in a relationship right now?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Yes. Parang it’s out in the open naman na, so yes,” ang tugon ni Zanjoe na kitang-kitang kinilig nang mapag-usapan si Ria.

Sundot na question sa kanya kung plano na ba niyang mag-asawa sa lalong madaling panahon. Natatawang biro ni Zanjoe, “Ang aga, 9 o’clock pa lang. Ha-hahaha!”

Pero seryosong sabi ng binata, “Sobra lang akong nag-e-enjoy ngayon sa sitwasyon ng buhay ko, sa career ko, sa personal life, pero yung mga ganyang bagay (pagpapakasal at pag-aasawa), masyado pang maaga.”

In fairness, matagal nang usap-usapan sa apat na sulok ng kashowbizan ang relasyon ng dalawa pero wala pang diretsahang pag-amin mula sa kanila hanggang sa magsalita na nga si Zanjoe about it.

Sabi naman ng netizens, sa mga sweet photos nila sa social media kabilang na ang mga litrato kung saan palaging kasama si Zanjoe sa mga family gatherings ng Atayde family — kailangan pa bang i-memorize yan.

Matatandaang noong October, 2022, ang nanay na mismo ni Ria na si Sylvia Sanchez ang nagbalita na “dating stage” na ang relationship status nina Ria at Zanjoe.

Sabi pa ni Sylvia, botong-boto naman siya kay Zanjoe para sa anak na dalaga dahil bukod sa masipag at responsable ang binata ay nakikita rin niyang mabait itong tao at marespeto.

Samantala, isa nga si Zanjoe sa mga bibida sa upcoming drama series ng ABS-CBN na “Dirty Linen” na magsisimula na sa January 23 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, at TV5.

Makakasama rin dito sina Janine Gutierrez, Francine Diaz, Seth Fedelin, Janice de Belen, Joel Torre, Angel Aquino, Tessie Tomas, John Arcilla, Liza Diño, Epy Quizon, Jennica Garcia, Andrea del Rosario, Christian Bables at marami pang iba, sa direksyon nina Andoy Ranay ay Onat Diaz.

Zanjoe 15 years na sa showbiz: Ang tagal na pala…mahal na mahal ko yung ginagawa ko

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Zanjoe: Sana ang maalala ng tao sa akin ay yung simpleng taga-probinsya na naabot ang mga pangarap niya dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending