Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa vlogger na puro fake news ang ipinagkakalat: 'Grabe po talaga, kaya dapat mag-ingat tayo' | Bandera

Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa vlogger na puro fake news ang ipinagkakalat: ‘Grabe po talaga, kaya dapat mag-ingat tayo’

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa vlogger na puro fake news ang ipinagkakalat: ‘Grabe po talaga, kaya dapat mag-ingat tayo’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:38 AM

Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa vlogger na puro fake news ang ipinagkakalat: 'Grabe po talaga, kaya dapat mag-ingat tayo'

Michael Wuethrich at KC Concepcion

MULING ipinagtanggol ni Cristy Fermin si KC Concepcion laban sa isang vlogger na nagpapakalat ng fake news sa social media.

Pagkatapos kumalat ang pekeng balita na buntis at nagpa-abort umano si KC, may mga chika naman na ikinasal na raw ang aktres at negosyante sa kanyang Filipino-Swiss boyfriend na si  Michael Wuethrich.

Isa ito sa mga napag-usapan sa YouTube vlog nina Nanay Cristy na “Showbiz Now Na” kung saan naniniwala nga ang TV-radio host na wala pang asawa ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ani Nanay Cristy, isang maliwanag na fake news na naman ang ipinakakalat ng isang vlogger tungkol sa pagpapakasal daw ni KC sa kanyang non-showbiz partner.

Mukha raw kasing totoong-totoo ang inilbas na video ng vlogger dahil may mga “resibo” o ebidensiya pa raw ito na nagpakasal na si KC tulad ng mga litrato at video ng wedding.

Baka Bet Mo: Jane ipinagtanggol si Celeste sa mga nagsabing kaya minalas sa Miss Universe ay dahil sa Darna costume; wish nakatrabaho si Paulo at Piolo

Nanindigan si Nanay Cristy na gawa-gawa lamang ito ng vlogger, “Grabe po talaga. Kaya dapat mag-iingat po tayo, dahil ang dami pong fake news na kumakalat talaga ngayon.”

Kamakailan lamang sa kanyang Instagram Story muling sinagot ni KC ang tanong ng mga netizens kung pregnant daw siya courtesy of Micheal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Guys old news na yan. No, I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know. Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang,” ang bwisit na bwisit nang sabi ni KC.

Baka Bet Mo: Maine ipinagtanggol si Arjo matapos tamaan ng COVID: Marami pa kayong hindi alam sa kuwento…

Ilang beses na kasing natsismis na buntis si KC at paulit-ulit din niya itong dinenanay, “Once & for all: What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life.”

Samantala, mukhang botong-boto naman sina Sharon at Gabby sa dyowa ni KC na magkasama ring nanood ng “Dear Heart” recently.

Mensahe pa nga ni Mega na may halong pagbabanta, “Michael, take care of my baby. Michael, dalawang Panday ang nandito, sina Senator Bong (Revilla) at Coco (Martin).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon naman kay Gabby, mabait at gentleman naman daw si Mike kaya ipinagkakatiwa na niya ang anak dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending