Ben&Ben pinalagan ang fake news na kumakalat ukol sa kanila, Juan Karlos nag-react | Bandera

Ben&Ben pinalagan ang fake news na kumakalat ukol sa kanila, Juan Karlos nag-react

Therese Arceo |November 03,2023
facebook
share this

Ben&Ben pinalagan ang fake news na kumakalat ukol sa kanila, Juan Karlos nag-react

Therese Arceo - November 03, 2023 - 12:28 PM

Ben&Ben pinalagan ang fake news na kumakalat ukol sa kanila, Juan Karlos nag-react
UMALMA ang Pinoy band na Ben&Ben ukol sa fake news na kumakalat sa social media laban sa kanila.

Isang post kasi ang nagte-trending ngayon sa social media kung saan inirereklamo ng isang netizen ang naturang banda dahil diumano’y nagpapa-book daw ito na tutugtog sa kasal kahit wala ang lead vocalists ng banda na sina Paolo Benjamin Guico atMiguel Benjamin Guico.

Ayon sa post, “We were supposed to get Ben&Ben for our wedding function, they quoted us 750k +, pero may disclaimer sila na baka hindi makapunta si Ben [Paolo] or si Ben [Miguel] sa event. Hindi sure, pero they will still book us and require downpayment kasi ganun daw talaga sila. So bakit sila tatanggap ng booking kung hindi available ang mga singers? Ano yan, yung gitarist at pianist lang sisipot?

Baka Bet Mo: Ben&Ben balak magtayo ng foundation para sa mga tinutulungang komunidad; Miguel nag-a-adjust pa rin sa married life

“Ano yan? pag feel lang nila pumunta sa wedding, last minute appearance? pero pag hindi nila feel hindi sila magpeperform? Ang Labo naman!

“Bakit kayo [Ben&Ben] maniningil ng ganyan kalaki tapos may chance na hindi kakanta yung dalawa? Grabe kayo, Sobrang na hype up kayo, kaya yumabang na kayo. from 350K talent fee in less than 2 years ago, naging times 2 bigla.

Aba, Ang sagot sa amin, magaling daw yung kasamahan nila at alam na lahat ng songs and yun din ang arrangement ng ibang couples na nagbook sakanila! Edi wow! Edi sa spotify nalang namin pinatugtog music nila kung ganun.

“Nakaka turn Off, ganyan ba kataas ang tingin niyo sa sarili niyo [Ben&Ben]??”

Nakarating naman sa Ben&Ben ang naturang post.

Bagamat hindi nito direktang sinagot ang nasabing post ay may hugot naman ito sa “fake news”.

“Hay. Kakalungkot at kakapagod na nabubuhay tayo ngayon sa panahong kailangan pa nating ipagtanggol ang sarili sa peyk news anu,” sey ng Ben&Ben.

Dagdag pa nito, “Basta tugtog, sulat at awit na lang kami para sa inyo [emoji] Takits.”

Maging ang kapwa singer at songwriter na si Juan Karlos ay nag-react sa kumakalat na isyu laban sa Ben&Ben.

Sey ni JK, “unang kita ko pa lang sabi ko ‘aba nga naman at may bored na naman po tayong kababayan.'”

Related Chika:
Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben ikinasal na kay Karelle Bulan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Muñoz ng Ben&Ben na-diagnosed ng Bell’s Palsy: ‘Gagaling naman ako, kailangan lang maghintay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending