Toni Muñoz ng Ben&Ben na-diagnosed ng Bell’s Palsy: ‘Gagaling naman ako, kailangan lang maghintay’
NA-DIAGNOSE ng Bell’s Palsy si Toni Muñoz, ang percussionist ng Pinoy group na Ben&Ben.
Ang malungkot na balita, ibinandera mismo ni Toni sa kanyang Instagram account.
Ayon pa nga sa kanya, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para mag-open up tungkol sa kanyang health condition.
“Meron akong life update: a few days before we flew to Sydney for Ben&Ben’s 1MX show, I was diagnosed with Bell’s Palsy,” pagbubunyag ni Toni.
Kwento pa niya, “The left side of my face is paralyzed, so as some of you might have noticed (lalo na sa mga na-meet namin sa Sydney), I can only wear half a smile, and there’s bit of change in the way I speak.”
Baka Bet Mo: Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo
“Sa mga makakakita sa akin, maninibago kayo s’yempre at okay lang ‘yun! Ako rin nga hindi pa rin sanay. I am slowly getting used to this day by day, but I wouldn’t be truthful if I said that it’s easy,” patuloy niya sa post.
Inamin ni Toni na mahirap ang kanyang pinagdadaanan ngayon, pero nagpapasalamat pa rin siya dahil marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“It’s a roller coaster of an experience, physically, mentally, emotionally. But I am still very grateful to be surrounded by very loving people who have given me support and care these past few days (alam n’yo na kung sino kayo!),” caption niya.
Hindi rin daw hadlang ang kanyang karamdaman dahil nagagawa pa rin niya ang kanyang trabaho na tumugtog at kumanta.
“And of course, I’m grateful that I can still play and sing and get to do my job (mas challenging lang pero kaya),” sambit niya.
Wika pa niya, “Just putting this out here para lang hindi kayo magtaka/magulat when you see me, at para na rin sa akin, para mas lumakas ‘yung pagtanggap ko na ito ngayon ang aking realidad.”
“Gagaling naman ako, kailangan lang maghintay. Sa ngayon, kahit kalahati lang ang aking mga ngiti, buo pa rin ‘yan galing sa aking [white heart emoji],” dagdag niya.
Aniya pa, “Kasali talaga sa buhay ang mga sorpresa. Kaya nga ito maganda. Marami pa ring dapat ipagpasalamat.”
View this post on Instagram
Maraming netizens at fans naman ang nagpaabot ng “well wishes” messages para sa paggaling ni Toni.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“You’re always in our thoughts and prayers Toni [yellow heart emoji] Big Hug [emoji]”
“Okay lang yan Tons. Gagaling ka naman in a few weeks. And makaka percussion ka pa rin. Laban lang [red heart emoji].”
“Praying for your fast recovery, Tatones! We love you [folded hands emoji].”
“Praying for your healing and recovery, shmerp! Rooting for you always [white heart emoji.”
Ano nga ba ang Bell’s Palsy?
Nag-research ang BANDERA patungkol sa karamdaman na ito at heto ang aming nakita mula sa website na “Hello Doctor Philippines.”
“Ang Bell’s Palsy ay nagdudulot ng panandaliang pagkawala ng kontrol, lakas, o paralisis sa mga kalamnan ng mukha. Ito ay maaaring mangyari kung ang nerve na kumokontrol sa mga kalamnan na ito ay nagiging compressed, namamaga, o inflamed.
“Dahil sa kundisyong ito, ang isang bahagi ng mukha ay naninigas o nalulumbay. Sa mga bihirang kaso, maaari itong makaapekto sa magkabilang panig ng mukha.
“Ang Bell’s Palsy ay karaniwang hindi permanente, ngunit may mga bihirang kaso kung saan hindi ito nawawala. Karamihan sa mga tao ay gumaling 2 linggo hanggang 6 na buwan pagkatapos lumitaw ang mga unang sintomas. Bukod pa rito, karamihan sa mga kaso ng Bell’s Palsy ay mababawi muli ang buong ekspresyon ng mukha at lakas.”
Related Chika:
Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.