Ben&Ben sa concert: ‘Goal namin mapanood niyo ang animation!’

Ben&Ben sa kakaibang concert: ‘Goal namin, mapanood niyo rin ang animation!’

Pauline del Rosario - December 09, 2024 - 04:32 PM

Ben&Ben sa kakaibang concert: ‘Goal namin, mapanood niyo rin ang animation!’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MALAPIT na ang kaabang-abang na concert ng nine-piece band na Ben&Ben!

Kahit ang banda ay aminadong excited at looking forward na dahil nga kakaibang experience ang handog nila para sa fans.

Biruin mo, bukod sa mahusay nilang performances, hahaluan na rin nila ito mismo ng storytelling at animation!

Ayon nga sa mga nauna naming naisulat, first time sa Pilipinas na magkaroon ng tinatawag na “animation-concert” hybrid.

Ang pagtatanghal ng Ben&Ben ay tinawag din na “The Traveller Across Dimensions” –same name ng kanilang latest album dahil diyan din mismo inspired ang show.

Baka Bet Mo: Ben&Ben may maagang Pamasko sa fans, pinagsama ang animation at kanta

Kamakailan lang ay nagkaroon ng listening party at mini presscon ang banda na ginanap sa isang mall sa Quezon City.

Ibinunyag ng isa sa bokalista na si Miguel Benjamin na ilang buwan na silang nagre-rehearse para sa upcoming concert.

“‘Nung nagpaplano kami ‘nung last three to four months of the year, kakarating lang po namin sa tour sa North America, so a lot of the songs that we will be performing is parang hinasa namin siya on stage,” sey niya.

Paliwanag pa ni Miguel, “That was the important part of our preparation kasi iba ‘yung nagre-rehearse sa studio and iba rin ‘yung kapag tina-try mo siya nang live at iba-iba ‘yung natututunan mo.”

“Pero magkakaroon pa rin kami ng intensive rehearsal para sa concert. Kasi nga ang goal namin is lahat ng napanood niyo, bahagi ‘yan ng show,” paglilinaw pa niya.

Mangyayari ang concert sa December 14 sa SM Mall of Asia Arena at ang ticket nito ay mabibili sa SM Tickets sa halagang P1,700 hanggang P7,700.

Samantala, ang bagong album ng banda ay mapapakinggan na sa lahat ng digital streaming platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

At speaking of their new album, naitanong ang banda kung saan nila nakuha ang inspirasyon na pagsamahin ang kanilang musika at animation.

Magugunitang nauna nang nabanggit ng banda na ang bawat kanta ng kanilang album na “The Traveller Across Dimensions” ay magkakakonekta sa isa’t-isa upang mabuo ang istorya ng main character na si “Liwanag” na naglalakbay sa mahiwagang mundo upang matagpuan ang kanyang inner peace.

Kwento ni Miguel, “‘Nung medyo patapos na kami sa pagsulat ng mga songs sa album, biglang nagkaroon kami ng short break and siguro in a few days, pumasok ‘yung inspiration na what if ‘yung animation ‘yung parang visual na medium na gamitin namin para sa pagkwento ‘nung mga kanta. And then sakto parang siyang destiny na na-meet namin ‘yung Puppeteer Studios and then eventually natuloy na ‘yung mga meant to be na mga bagay until fast forward to today na biglang ‘nung natapos ‘yung animation, na-inspire niya ‘yung the rest of ‘yung nagawa naming album and then it all came together.”

Patuloy niya, “Kasi ‘yung kwento dito sa Traveller Across Dimensions, galing siya sa amin, sa band, tapos ‘yung admission galing siya sa Puppeteer. So parang ‘yung collaboration na ‘yun and the songs, meron siyang nabuo na kami rin ay hindi namin ine–e-expect na maging ganito ‘yung kalalabasan lang.”

Diyan niya rin inamin na first time nilang panoorin nang buo sa listening party ang final outcome ng nasabing collab at inilarawan pa nila itong “solid.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“One great message that we want to convey with these songs and the album is that sometimes the only way to navigate life’s difficulties is letting go of control,” dagdag ni Miguel.

Aniya pa, “Because when we try to control things too much, we actually find it a lot more difficult because we think that everything’s in our own hands when the truth is, it’s not.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending