Ben&Ben inspirasyon ang hatid sa acoustic version ng ‘Courage’: ‘It’s something a lot of people are going through…’
ISA nanamang inspiration anthem ang inilabas ng sikat na Pinoy band na Ben&Ben.
Ito ang acoustic version nila na “Courage” via Sony Music Entertainment na handog sa lahat ng mga may pangarap sa buhay na patuloy pa ring lumalaban sa kabila ng mga kinakaharap na problema.
Kwento ng banda, isinulat nila ang kantang ito dahil kahit sila ay nakaka-relate sa mga pinagdadaanan ng maraming tao.
“The past few months have been mentally tough for the band, with challenges surrounding us and driving us to low points and times of discouragement,” sey sa inilabas na pahayag ng chart-topping band.
Dagdag nila, “These valleys have been the inspiration for ‘Courage’.”
Ayon pa sa kanila, imbes na malugmok sa pagiging hopeless ay nagsilbi pa itong inspirasyon sa kanila upang makagawa ng kanta na makakapagbigay ng lakas ng loob.
“We realized that, as visceral as the feeling of being hopeless may be for us, we wanted to channel it into an uplifting piece of music because it is something a lot of people are going through now but have a hard time verbalizing,” saad ng grupo.
Baka Bet Mo: Sponge Cola muling naglabas ng bagong album makalipas ang 8 buwan, tampok ang collab with Morissette
Ang “Courage” ay isinulat ng magkapatid at bokalista ng banda na sina Miguel at Paolo Benjamin.
Prinoduce naman ‘yan ng frequent collaborator nila na si Jean Paul Verona.
Kwento ng Ben&Ben, “We went back to our roots for this one, wherein we let the reverberations of the acoustic guitars envelope the harmonies we did for the vocals.
“We kept it simple for the first release of Courage because we wanted to get the message of the song to our listeners as soon as possible.”
Ang final version ng nasabing kanta ay nakatakdang i-record at i-arrange ng Pinoy band in the coming weeks.
Chika pa ng nine-piece band, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kanilang karera na may ini-release silang track na kadalasan ay sila-sila lang ang nakakarinig.
“Then, we’ll build it up together as a band as the weeks and months go by, and you’ll be hearing
more of it as it happens,” saad nila.
Kamakailan lang, humakot ang Ben&Ben ng nominasyon sa 2023 Awit Awards.
Kabilang na riyan ang Song of the Year, Best Performance by a Group Artist, Best Pop Recording, Best Alternative Recording, Best Traditional/Contemporary Folk Recording, at Music Video of the Year.
Kasalukuyan silang nasa world tour at ang natitirang concert destinations ngayon buwan ay ang Sydney, Australia at Dubai.
Related Chika:
Ano’ng meron sina Beyonce at Heart na gustung-gusto ni Kyline Alcantara?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.