James Reid nagpasalamat sa pagtitiwala ni Liza Soberano: I know it takes a lot of courage to go against the grain
PROUD na proud ang singer-actor na si James Reid sa kanyang alagang si Liza Soberano na gusto nang makilala bilang si Hope.
Sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos at hindi sang-ayon sa mga naging pahayag ng dalaga patungkol sa bagong direksyon ng kanyang karera at ang mga naging pahayag nito sa latest vlog ay nananatili pa rin ang suporta nito para sa alaga.
Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni James ang IG reel ni Liza kalakip ang congratulatory message nito ukol sa bagong proyekto ng aktres.
“Proud and happy for you @lizasoberano. I know it takes a lot of courage to go against the grain, to choose the harder path because that’s what you believe in,” saad ni James.
Dagdag pa niya, “Thank you for trusting us with your hopes and dreams.”
Matatandaang noong June 2022 nang pumirma at lumipat si Liza sa pangangalaga ng Careless Music, ang record label at management agency ni James. Ito ay nangyari matapos mag-end ang kanyang kontrata sa dating talent manager na si Ogie Diaz na nag-alaga sa kanya ng 11 years.
Maayos ang naging paghihiwalay nina Liza at Ogie ayon sa huli at suportado niya ang kung anumang nais nitong i-pursue kahit na hindi na ito ang nagma-manage sa kanya.
View this post on Instagram
Ngunit naging mainit na usapin ang latest vlog ng dalaga kung saan tila marami ang nasaktan sa mga naging pahayag niya.
May ilan pa nga na nagsasabing naimpluwensiyahan na raw siguro ni James si Liza kaya tila nagbago na ito.
Nagbigay naman ng mensahe ang binata kay Liza at sa mga taong patuloy na kumukwestiyon sa desisyon niyo.
“People will think that you’re crazy when they don’t understand what you are trying to do. So I think my advice to her just stick to her guts, stick on what she believes in, and eventually, when she turns around, she’ll find something she’s proud of,” sey ni James sa interview niya kay MJ Morfori.
Related Chika:
‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!
Liza Soberano pinalitan ang pangalan, may pasabog na bagong proyekto: Please call me ‘Hope’
Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.