'Kissing video' ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang 'magdyowa': Fake news yarn! Bandera

‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!

Ervin Santiago |May 16,2022
share this

‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!

Ervin Santiago - May 16, 2022 - 08:58 AM

James Thomas at James Reid

NAGING malaking isyu ang kumalat na “kissing video” ng actor-singer na si James Reid at ng kanyang male friend matapos itong lagyan ng malisya ng ilang netizens.

Maliwanag na nabiktika na naman ng fake news ang dating boyfriend ni Nadine Lustre pero mukhang hindi naman affected ang binata hinggil dito.

Sa nag-viral na TikTok video, makikita si James na hinalikan sa pisngi ang isang lalaki na kuha sa selebrasyon ng kanyang birthday party. He just turned 29 last May 11, 2022.

Maraming netizens ang nag-share nito sa kani-kanilang social media accounts, kung saan mababasa ang mga caption na “Birthday Party with his new boyfriend”, “James’ Rumored Boyfriend” at “James Reid, nilantad na ang kanyang tunay na kulay”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)


Ginamit pa nila ang hashtag na #JaJa na kuha mula sa mga pangalan ni James at ng hinalikan niyang lalaki sa video na James din daw ang name, ayon sa ilang netizens na nag-comment.

Ang nakalulungkot dito, marami ang naniwala na boyfriend nga ng aktor ang mystert guy sa video kahit na halatang-halata namang fake news ang ipinakalat na balita ng ilang vloggers.

Kaya naman may mga supporters si James ang naglabas ng pruweba na hindi totooong dyowa niya ang guy. Anila, business partner ito ng aktor sa kanilang kumpanya na Brooklyn Industries Group.

May nagsabi rin na walang malisya ang beso-beso sa pagitan ng magkaibigan dahil normal sa mga lalaking Italian at Australian ang makipag-beso-beso sa kapwa lalaki.

Isang netizen naman ang nagsabi na kasama raw ng male friend ni James ang dyowa nito nang um-attend sa kanyang birthday party.

Samantala, mababasa naman sa Facebook post ng isang nagpakilalang kaibigan ni James ang paglilinaw niya sa malisyosong kontrobersya.

Aniya, “James Reid and James Thomas have been very good friends for a while now. He is also his business partner at Brooklyn Industries Group, Pop Up Katipunan, and Notorious Concepts.

“James (is) very amused by the reactions, we’re happy that you’re happy for his “new relationship.

“But sadly no, #JaJa is not true. James reaction at Tiktok was priceless. I hope you all had a good laugh like we did,” paliwanag pa niya.

Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I’m not available…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending