Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid Bandera

Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

Therese Arceo |October 18,2022
share this

Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

Therese Arceo - October 18, 2022 - 09:06 PM

Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

MULI na namang napa-throwback ang mga supporters ng dating loveteam at dating mag-dyowa na sina James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay kasunod ng paglalabas ng bagong album ng singer-actor na pinamagatang “Lovescene”.

Chika ng mga solid fans ng dalawa, ang naturang album raw ay tila open letter ni James sa apat na taong naging relasyon nila ni Nadine.

Base na rin sa binata noong nagdaang listening party para sa bago niyang released album, ang kantang ito raw ay patungkol sa naging epekto sa isang relasyon ng pagiging expose sa publiko.

“Lovescene is an album about being in a spotlight and how it affected past relationship,” pagbabahagi ni James.

Matatandaan na talagang nag-boom ang love team nila ni Nadine noong pagbidahan nila ang Kapamilya teleserye na “On The Wings Of Love” at bumida rin ang dalawa sa mga hit movies na “Diary ng Panget”, “This Time”, Never Not Love You,” at maraming iba pa.

Diretsahan ring inamin ni James na may isa talagang kanta mula sa naturang album ang dedicated para sa dating minamahal na si Nadine.

Ngunit mukhang hindi kumbinsido ang mga JaDine fans na isa lang ang kanta para sa aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

Tampok sa brand new ten-track album ni James ang mga kantang “Cali Lovin”, Fallin”, “Chasin”, “Always Been You”, Stay”, “Spotlight” at “Bring Me Back.”

Kaya naman kanya-kanya ring teorya ang mga solid fans ng dalawa patungkol sa kung ano ang mga kanta na tingin nila ay para sa aktres.

“I think only three songs are for Nadine– Spotlight,Stay, and Always Been You..the rest sounds like for a new girl. It’s like he’s found new love especially the bring me back, fallin, and all the rest. My JaDine heart is breaking. I didn’t cry when they announced their break up but now it feels different listening to his songs, it seems that he’s moved on too just like Nadine and soooo it only means it is really over!” saad ng isang fan.

Tila nanumbalik rin sa iba ang sakit na naramdaman nila nang maghiwalay sina Nadine at James.

Matatandaang noong Enero 2020 nang gulatin ng dalawa ang madlabg pipol noong inanunsyo nila ang paghihiwalay nila matapos ang kanilang apat na taong relasyon.

Nananatili namang magkaibigan ang dalawa at naging maayos naman ang naging paghihiwalay nina James at Nadine.

At makalipas nga ng dalawang taon ay lumabas ang balitang nakatagpo na ng bagong pag-ibig si Nadine sa katauhan ng Filipino-French businessman na si Christopher Bariou.

Samantala, wala pa namang reaksyon ang actress-singer hinggil sa kantang dedicated sa kanta maging sa mga naging komento ng kanilang mga fans.

Related Chika:
‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!

James, Nadine ‘nag-reunion’ sa fashion event; JaDine fans may panawagan sa GMA at ABS-CBN

Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022

Nadine game pa ring makatambal si James sa bonggang project; may mensahe sa mga loyal fans

James hindi excited makita si Nadine na may kasamang ibang lalaki: But I want her to be happy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending