Sponge Cola naglabas ng bagong album makalipas ang 8 buwan

Sponge Cola muling naglabas ng bagong album makalipas ang 8 buwan, tampok ang collab with Morissette

Pauline del Rosario - August 06, 2023 - 03:16 PM

Sponge Cola muling naglabas ng bagong album makalipas ang 8 buwan, tampok ang collab with Morissette

PHOTO: Courtesy Sony Music

MAKALIPAS ang walong buwan, nilabas na ng Pinoy alternative rock band na Sponge Cola ang kanilang ninth studio album.

Ito ang “Hometown: Part 2” under Sony Music Entertainment na karugtong ng kanilang huling album na ni-release noong nakaraang taon.

Ayon sa OPM band, ang kanilang bagong album ay isang patunay na ang musika ay maaaring maging isang “therapeutic outlet” pagdating sa expression at healing.

Tinatalakay din, anila, sa bagong koleksyon ng kanilang awitin ang mga temang may kwento ng tagumpay laban sa kahirapan, katatagan at unfulfilled relationships.

“We explored new ways of expressing familiar feelings with renewed perspectives incorporating different production elements, arrangement choices, and improved approaches to performance,” sey ng lead guitarist na si Armo Armovit.

At katulad rin ng huli nilang album, ang mga kanta sa “Hometown: Part 2” ay inspired pa rin sa kanilang pagkahumaling sa Korean dramas at documentaries, pati na rin sa mismong mga karanasan nila sa buhay.

Nabanggit din ng Sponge Cola na tampok rin sa bagong album ang collaboration nila kasama ang tinaguriang Asia’s Phoenix na si Morissette Amon.

Baka Bet Mo: Sponge Cola 20 years na, naglabas ng kanta na inspired sa K-drama ‘Hometown Cha-Cha-Cha’

Ito ang track na may titulong “So Close” na isinulat mismo ng bokalista na si Yael Yuzon.

“It’s a song that took me 20 years to write,” kwento ni Yael.

Chika pa niya, “It was Inspired by ‘Dead Stars’ by Paz Marquez Benitez and ‘The Unbearable Lightness of Being’ by Milan Kundera, ‘So Close’ talks about the possibility of a mirage in our poetic memory, a ‘what if’ that may have been nothing more than a light radiating from a dead star. We might just be romanticizing things.”

19 songs ang laman ng “Hometown: Part 2” at narito ang kanilang kumpletong track list:

1. Hometown

2. Alamat (MLBB 5th Anniversary Theme)

3. Kung Ako ang Pumiling Tapusin Ito

4. Lumipas Ang Tag-araw

5. Laman Ng Panaginip

6. Labis-Labis

7. Siguro Nga

8. JAIRAH

9. Kung May Oras Ka

10. Signal #4

11. So Close (feat. Morissette)

12. Champions

13. In the End

14. Labis-Labis – Acoustic

15. Kung Ako ang Pumiling Tapusin Ito (Remix) (feat. Matthaios and Clien of ALLMO$T)

16. Kung Ako ang Pumiling Tapusin Ito – Acoustic

17. Siguro Nga – Acoustic (feat. Kai Honasan)

18. Siguro Nga (TMAC’s lo-fi Mix)

19. Laman ng Panaginip – Acoustic

Kung maaalala, ang full-length album na “Hometown” na nilabas noong Disyembre ay hango sa hit Korean drama series na “Hometown Cha-Cha-Cha.”

Related Chika:

BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang OPM artists, komedyante, visual artists magsasanib-pwersa sa ‘Linya-Linya Land 2023’, ibabandera ang ‘communities empowerment’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending