Linya-Linya Land 2023 ibabandera ang communities empowerment

Ilang OPM artists, komedyante, visual artists magsasanib-pwersa sa ‘Linya-Linya Land 2023’, ibabandera ang ‘communities empowerment’

Pauline del Rosario - July 15, 2023 - 05:12 PM

Ilang OPM artists, komedyante, visual artists magsasanib-pwersa sa ‘Linya-Linya Land 2023’, ibabandera ang ‘communities empowerment’

PHOTO: Courtesy Linya Linya, GNN

MAS pinagarbo at mas pinalaking pagdiriwang ang inihandog ngayong taon para sa taunang music show na “Linya-Linya Land 2023.”

Magsasama-sama kasi sa nasabing event ang ilang malalaking pangalan pagdating sa musika, comedy at sining!

Ang ibabandera nila sa taong ito ay ang “communities empowerment” at adbokasiya pagdating sa social change.

Ang mga kabilang sa lineup ng mga Pinoy singers at banda ay sina Ebe Dancel, Johnoy Danao, Nica Del Rosario, Cheats, Autotelic, at DJ Ayel.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kaladkaren sa mga magulang na hindi tanggap ang anak na LGBT member: ‘It needs time, understanding…’

Mangunguna naman pagdating sa standup comedians ay sina Victor Anastacio, Nonong Ballinan, GB Labrador, James Caraan, at Jeleen Cubillas.

At siyempre, ang kukumpleto naman sa non-performing headliners ay ang ilan sa mga most acclaimed at established talents in Philippine art tulad nina Manix Abrera, Rob Cham, at Pol Medina Jr.

Present din sa event ang ilang muralists at illustrators na sina Panch Alvarez at AG Saño.

“This year’s Linya-Linya Land will be bigger and better, and hopefully, more meaningful,” sey ng Linya-Linya Founder na si Ali Sangalang sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, “Aside from music, we’re happy to have our collaborator artists and comedians on board.”

“Gaya ng lagi, nandito ang Linya-Linya para makatulong magbigay ng espasyo at entablado para sa Pinoy artists at creators na ma-express at maipamalas ang talents nila sa community at sa mundo.” aniya pa.

Bukod sa performances at tampok na mga obra, magkakaroon din ng spoken-word poetry at open-mic session para sa mga nais ding magpasiklab ng talento.

Ang Linya-Linya Land 2023 ay mangyayari sa 123 Block sa Mandaluyong City sa August 26.

Ang tickets ay nagkakahalaga mula P900 hanggang P1,700 na mabibili lamang sa online via bit.ly/linyalinyaland23.

Related Chika:

Sikat na sapatos ni Michael Jordan ginawan ng pelikula

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron inatake ng depresyon sa lock-in taping: Buti na lang nandoon si Lander…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending