Baron inatake ng depresyon sa lock-in taping: Buti na lang nandoon si Lander... | Bandera

Baron inatake ng depresyon sa lock-in taping: Buti na lang nandoon si Lander…

Reggee Bonoan - October 14, 2021 - 01:40 PM

Lander Perez, Marco Gallo at Baron Geisler

HINDI itinanggi ni Baron Geisler na inatake siya ng depression habang nasa lock-in taping ng 14-episode series ng “Di Na Muli” na napapanood sa TV5 tuwing Sabado nang gabi mula sa Cignal, Sari-Sari at Viva Entertainment.

Ang co-actor niyang si Lander Vera-Perez ang umalalay sa kanya na labis niyang pinasasalamatan.

“Nagkaroon kasi ako ng depression nitong lockdown sa Di Na Muli,” pag-amin ng aktor sa unang virtual mediacon ng serye nila kasama sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.

“Buti na lang siya naging roommate ko sa hotel and you know he just acted like a brother and ang tingin niya sa akin little brother. So, nandoon ako tatlong araw yata akong hindi masyadong nagsasalita.

“Pinilit niya akong mag-workout nu’ng time na ’yon. Depressed ako. So, napansin niya. So, sabi niya, ‘Tara, mag-basketball tayo.’ Kuwentuhan lang. Dinaan lang niya sa kuwento, yung magandang kuwento. Puro positive vibes hanggang sa nakuha ko ’yung positive vibes,” ani Baron.

https://bandera.inquirer.net/292678/baron-geisler-nawalan-ako-ng-diyos-feeling-ko-kasi-ako-yung-pinakamagaling

Aniya pa, “Si Marco Gallo, isa yan sa mga mahal ko rin sa ‘Di Na Muli’ dahil isa rin yan na bugoy na pumapasok bigla (sa kuwarto), siya gumigising sa amin, tapos kakain kami nang sabay-sabay ng breakfast or dinner.

“Pero bago kami mag-breakfast, magba-basketball muna kami. May mga videos naman kami diyan (Instagram). Magkakasama kami sa kwarto bigla na lang yan papasok. Makikigulo lang. 

View this post on Instagram

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


“So, minsan nagpapaalam talaga kami sa marshal. ‘Can we at least have coffee together?’ Or just bond together or workout together? And awa ng Diyos, pinagbibigyan naman kami,” dagdag pa ng aktor.

Ang pinakadahilan kaya siya nagkaroon ng ganu’ng pakiramdam ay dahil nahiwalay siya nang matagal sa asawa niya.

“Parang ganu’n. Tapos nanibago ako sa structure ng new normal natin. One-month kami nag-shoot. Nu’ng first seven days namin sa isang hotel, buti pinagbigyan ako ng Viva na isama ko wife ko for the seven days (quarantine). And after that seven days, we have another few days to wait for the PCR sa Subic. And ’yong few days na ’yon, ayon na,” kuwento ng aktor.

At ang malaking nagawa ng kapwa aktor niyang si Lander habang nasa lock-in shoot siya, “He was very generous in his time. He showed kindness to everyone. He’s always smiling and he had this outlook in life na feel good, do good, look good.

“Even if I was spiritual already nu’ng time na ’yon siguro what I lacked was I had that false humility. Na I’m nice, I’m like this but I have so many character defects pala that need to be fixed.

“And in times of you know, this pandemic or kahit nasa bubble ka, sa taping, just a simple act of kindness, a simple gesture or nice word or to put it simple just be compassionate and mindful sa surroundings mo and the energy will just it’s so magnetic, the positive energy.

“From Lander’s point of view, his energy, ipinasa niya sa akin and naipasa ko sa iba. Hanggang sa nabuksan ’yong puso ko, na na-enjoy ko ’yong buong proseso ng shoot. And it became a lot easier for me to work,” kuwento ni Baron.

Dagdag pa, “I stopped worrying ’coz worrying is like sitting in a rocking chair going back in forth but you’re not going anywhere. You’re moving, yes; but you’re not going anywhere.

“So, I think what we did then when I was worrying, Lander shared his hand, his helping hand. ‘Hey, Baron, you know what, let’s play basketball, do something positive.’ Naging routine na namin yan for three weeks and I lost a couple of pounds’ din. Seven pounds yata,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bukod sa TV5 ay mapapanood na rin ang “Di Na Muli” sa Vivamax simula sa ikatlong linggo ng Oktubre mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending