Ely Buendia may bagong album, may pa-concert pa sa Nobyembre
MAGLALABAS ng bagong album ang rock legend na si Ely Buendia!
Pinamagatan itong “Method Adaptor” na mapapakinggan na sa darating na November 8.
Kasabay niyan, magkakaroon din ng concert si Ely upang ipagdiwang ang release ng upcoming music project.
Ito ang “Ely Buendia: Method Adaptor” album launch presented by Gabi Na Naman Productions (GNN).
Ang official event ay mangyayari sa 123 Block sa Mandaluyong City sa parehong petsa kung kailan iri-release ang album.
Ayon kay Ely, asahan ang full-length concert performance kasama ang talented artists sa ilalim ng kanyang music label na Offshore Music (OM).
Kabilang na riyan sina Ligaya Escueta, ALYSON, Carousel Casualties, at Aviators.
Ang concert tickets ay mabibili na via bit.ly/elybuendia123block sa halagang P1,500 hanggang P2,500.
View this post on Instagram
Kamakailan lang, inanunsyo ng bokalista ng The Eraserheads at Pupil na maglalabas siya ng bagong single na pinamagatang “Tagpi-Tagping Piraso” sa October 24.
Ang unang single ng kanyang bagong album ay ang “Bulaklak sa Buwan” na ni-release noong Agosto.
Naunang nagkaroon ng concert si Ely noong Setyembre na tinawag na “Ely Buendia Live.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.