Clara, GABBA, Kakoy Legaspi ka-join sa concert ni Johnoy Danao

Clara Benin, GABBA, Kakoy Legaspi ka-join sa 1st solo concert ni Johnoy Danao

Pauline del Rosario - March 13, 2025 - 05:02 PM

Clara Benin, GABBA, Kakoy Legaspi ka-join sa 1st solo concert ni Johnoy Danao

Johnoy Danao, Clara Benin, GABBA, Kakoy Legaspi

LALONG na-excite ang maraming fans sa solo concert ng OPM musician na si Johnoy Danao!

Magkakaroon kasi siya ng special guests na magpe-perform din sa entablado sa darating na March 14 at 15 sa Metropolitan Theater (MET) sa Maynila.

Sila’y walang iba kundi ang sikat na singer-songwriter na si Clara Benin, ang post-rock genius na si GABBA, at ang batikang gitarista na si Kakoy Legaspi!

Sa unang gabi ng concert, magtatanghal sina Clara at GABBA, habang sa ikalawang gabi naman ay makakasama ni Johnoy si Kakoy para sa isang reunion.

“All guests are handpicked by Johnoy Danao,” pagbubunyag ng minsan studio head na si Jason Conanan sa isang pahayag.

Baka Bet Mo: BINI excited na, sila ang 1st P-Pop group na magpe-perform sa KCON

Chika pa niya, “Each of them has played a crucial part in his music journey, both as collaborators and real-life friends.”

Ang “Liwayway at Dapithapon” ay isang engrandeng selebrasyon ng 25 years journey ni Johnoy sa mundo ng musika, mula sa pagiging bahagi ng bluesy folk band na Bridge hanggang sa pagiging isa sa pinakarespetadong singer-songwriters sa bansa.

Asahan ang isang makapigil-hiningang performance kasama ang 15-piece orchestra sa ilalim ng baton ni Ria Villena-Osorio!

Ang concert na ito ay bunga rin ng sunod-sunod na sold-out café shows ni Johnoy sa iba’t ibang intimate venues sa Pilipinas.

Kaya kung isa ka sa mga hindi nakasagap ng ticket noon, ito na ang pagkakataon mong mapanood siya sa mas malaking entablado!

Para sa mga estudyanteng walang sawang sumusuporta kay Johnoy, may pasabog na promo ang minsan studio.

“minsan studio believes that everyone, especially young people, are the key to long-term careers of the artists,” sey ni Conanan.

Patuloy niya, “They are the most active fans. Most of the time they have limited financial capacity to do so, that’s why we came up with an initiative to show appreciation for their efforts.”

Dagdag pa niya, “We started out with pay-what-you-can gigs and we find that people value these experiences differently. A student’s PHP 100 may be their savings for the day while to an adult, that’s just another coffee. This is our way of helping bridge that gap.”

Kaya kung gusto mong maging bahagi ng espesyal na sandali sa kasaysayan ng OPM, manood na sa concert!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available ang tickets sa www.ticketmelon.com/liwaywayatdapithapon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending