Sharon Cuneta ibinandera ang 'surprise visit' ni KC Concepcion

Sharon Cuneta ibinandera ang ‘surprise visit’ ni KC Concepcion bago ang reunion concert

Reggee Bonoan |November 04,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta ibinandera ang ‘surprise visit’ ni KC Concepcion bago ang reunion concert

Reggee Bonoan - November 04, 2023 - 08:38 AM

Sharon Cuneta ibinandera ang 'surprise visit' ni KC Concepcion bago ang reunion concert: It was the first time I saw her again

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

SINORPRESA pala ni KC Concepcion ang mama Sharon Cuneta niya sa gabi ng rehearsal nila ng papa Gabby Concepcion niya para sa ginanap na “Dear Heart concert” sa Mall of Asia Arena noong Oktubre 27.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Sharon ang isang video na makikitang nakatayo siya sa entablado at narinig niyang tinawag siya ng panganay niyang si Kristina Cassandra at sabay akyat ng stage at mahigpit silang nagyakapan.

Ang caption ng Megastar, “When someone yelled ‘Mama!’ and I saw it was KC…Oct.26,2023. MOA Arena rehearsals for Dear Heart the concert.”

Baka Bet Mo: Sharon super cry sa concert nila ni Gabby, nag-sorry kay KC: ‘We couldn’t give you that complete family…’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sinundan pa ng isa pang video na pinupunasan ni Shawie ang luha ng anak at lumapit naman sa kanila si Gabby para i-comfort.

Sabi pa ng singer-actress na mabuti na lang daw at nagkita muna silang mag-ina bago ang mismong concert dahil kapag nagkataon ay baka hindi sila makapag-perform dahil mag-iiyakan lang sila sa buong gabi at inaming matagal niyang hindi nakita ang panganay niya.

Ang caption ni Mega sa ikalawang video, “Oct.26,2023 – the night before our MOA Arena concert, KC surprised me while we were rehearsing.”

“It was the first time I saw her again since my birthday on January 6. Buti that night siya dumating, kasi nag-iyakan kaming mag-ina sa pagkamiss sa isa’t isa, eh, kung sa show kami mismo nagkita malamang di kami nakakanta! Although nagte-textan at nagpadalahan naman kami ng gifts sa isa’t isa,” chika pa niya.

At dito inamin ni Sharon na mananatiling number 1 si KC sa kanya.

“KC will always be my baby #1 no matter how old we both get. I love you, Toot. And thank you again for my blinged-out thermos! I used it again in Okada. Unconditional always, @kristinaconcepcion.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Hayun sa anak pala galing ang shiny thermos na iniinuman ni Sharon nu’ng gabi ng concert na naging takaw-pansin sa mga nanood dahil nga kumikislap-kislap ito.

Anyway, sobrang natutuwa at masaya ang followers ni Sharon sa muli nilang pagkikitang ni KC kasama pa si Gabby.

Sabi ni  @cecillecatipon24, “Grabe dito ako mas umiyak, dun sa MOA na pagkikita nila di pa ako umiyak du’n eto talagang scene na to ‘yung ramdam mong miss na miss na miss nila ang isat isa taz ‘yung unang pagkikita nila na kumpleto silang unang naging Concepcion family nakakatouch talaga.”

Susog din ni  @arcilla.michelle, “Awwww kaiyak nman complete fam cla.”

Hiling naman ni @thisismearcycanete, “Haaay my ShaGab heart! Hopefully this really is a start of a beautiful relationship for the two families.  Sana one day like Shine & Cesar, we will see Pangilinan and Concepcion families together”

Sey ni @wiiliketoplay, “Great to see you all together!”

Galing kay @janneddz, “perfect and priceless moments.”

Sey ni @megamindonliner, “Uyyy….besing-besi ako huhuhu, panu makadiskarte nito? Ma kick na ako nito dahil di nakapag concentrate dahil sa inyo ha.”

Natawa naman kami sa komento ni @reallysolidcs dahil itinuloy sa IG ang nangyari sa Arena, “Pati ba namn dito continuation pa from MOA ARENA LOVE YOU CONCEPCION FAMILY.”

Naiiyak din si  @craftybambi, “Sending love and light to you three! You make us cry. When can we stop crying, too? Hehe.”

Halos iisa ang mga nabasa pa naming komento na labis silang natutuwa sa pagtatagpo nina Gabby, Sharon at KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang ‘Dear Heart’ concert

Kiko, 3 anak hindi manonood ng ‘Dear Heart’ concert nina Sharon at Gabby para iwas intriga at tsismis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending