Carla Abellana sa bashers ng binebentang pre-loved items: ‘Grabe kayo!’
NAGSALITA na ang aktres na si Carla Abellana matapos kuyugin ng bashers dahil sa mga binebenta niyang pre-loved items.
Aware si Carla sa hate comments kaya talagang nag-react na siya nang tinanong sa interview with “24 Oras.”
“Hindi ‘yun totoo, grabe kayo!” sey niya.
Paglilinaw niya, mas mababa ang presyo ng kanyang mga binebenta sa original price at nakadepende naman din ito sa kondisyon ng mga produkto.
“I would sell something na much less naman than how much I got it for ‘diba, lalo na dahil ‘yung condition niya depende din doon,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, “Well, choice naman nila ‘yun, of course, if they are interested, if they want to buy it or not.”
Baka Bet Mo: Xian Gaza binebenta ang ‘surrender’ shirt kay Boss Toyo: ‘Asking price is P500K’
Matatandaang nagkaroon ng ibang Instagram page si Carla kung saan ibinabandera niya ang “Shop brand new, never-been-used and pre-loved items” na galing sa kanyang closet.
Ngunit imbes na mga potential buyers, dinagsa ito ng bashers at tinawag pa nilang “dugyot” ang aktres dahil sa ilang items na hindi na kaaya-aya.
Bukod diyan, marami rin ang nagsasabi na “overpriced” ang presyo.
May mga nagkomento pa nga na nabili ng aktres ang ilang items noong sale ito, pero mas mahal niya ito binebenta ngayon.
Samantala, magkakaroon ng upcoming project si Carla kasama ang award-winning actress na si Bea Alonzo.
Bibida sila sa sa bagong serye na “Widow’s War.”
Kamakailan lang, inamin ni Carla na isa dream come true na makatrabaho niya si Bea at hindi siya makapaniwala na makakasama niya ito sa isang proyekto.
Tampok din sa upcoming series sina Gabbi Garcia, Jackie Lou Blanco, Tonton Gutierrez, Mark Herras, Jeric Gonzales, Juancho Triviño, Lito Pimentel, Rita Daniela, Timmy Cruz, Lovely Rivero, James Graham, Charlie Fleming, Matthew Uy, at Benjamin Alves.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.