Xian Gaza binebenta ang ‘surrender’ shirt kay Boss Toyo: ‘Asking price is P500K’
TOTOO kayang naghihirap na ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza?
‘Yan kasi ang naging rason niya kung bakit niya naisipang ibenta ang kanyang “surrender” shirt sa collector at content creator na si Boss Toyo na ayon sa kanyang asking price ay tumataginting na kalahating milyong piso.
“Boss Toyo magkano mo po bibilhin yung orange shirt na suot ko noong nakulong ako[?]” tanong niya sa isang Facebook post kalakip ang throwback picture niya habang nasa loob ng presinto at suot-suot ang tinutukoy niyang damit.
Dagdag niya, “Initial asking price is 500K. Reason for selling is naghihirap na.”
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa pagpaparetoke ni Alex Gonzaga: Ang ganda na niya, sinira pa
Mukang nakarating naman agad kay Boss Toyo ang post ni Xian dahil nag-reply ito sa comment section.
Mababasa na tawang-tawa pa ang content creator sa mga hirit ng social media star.
Sey sa kanya ni Boss Toyo, “hahahaha pm po.”
Pakiusap naman sa kanya ni Xian: “Ipi-PM po kita Boss Toyo pero huwag mo ko tatawaran ng 75K kasi prison shirt ‘yan ng Pambansang Scammer at Pambansang Marites.”
“Parte ‘yan ng kasaysayan,” pagmamalaki pa niya.
Dagdag pa ni Xian, “Boss Toyo ang Pambansang Pawnshop ng Pinas numbahwan so handsome guy okay 450K close deal kasama po ‘yung pants.”
Baka Bet Mo: Francis M jersey na ibinenta ni Abegail Rait, binibili ng P2.5-M kay Boss Toyo?
Maraming netizens naman ang tawang-tawa sa latest post ni Xian na umaani na ng mahigit 85,000 laugh reacts at mahigit 700 shares.
Recently lamang, nag-trending ang YouTube episode ni Boss Toyo kung saan ibinenta ng dating child actor na si Jiro Manio ang kanyang “Best Actor” award na nakuha sa Gawad Urian noong 2004.
Prinesyuhan ito ni Jiro ng P500,000 pero nagkatawaran pa sila ni Boss Toyo hanggang magkasarahan sila sa last price na P75,000.
Kung matatandaan din noong 2018 nang unang ibinenta ni Xian ang nasabing shirt nang nakalaya na siya sa pagkakakulong dahil sa kasong paglabag sa Anti-Bouncing Checks law.
Ibinandera pa nga niya sa FB page ang litrato ng kanyang v-neck orange shirt na suot niya noong sumuko siya sa pulisya at binenta sa halagang P9,000.
“The actual tee shirt worn by Xian S. Gaza when he surrendered at Malabon Police Headquarters last April 12 [2018],” caption niya sa dating post.
Wika pa niya, “9,000 PESOS with 1on1 coffee d@te and ch1ll at C Lounge Conrad Manila Seaside Blvd. Pasay City.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.