Xian Gaza dinipensahan si Diego Loyzaga laban sa dating partner

Xian Gaza dinipensahan si Diego Loyzaga laban sa dating partner

Therese Arceo - January 09, 2024 - 04:16 PM

 

Xian Gaza dinipensahan si Diego Loyzaga laban sa dating partner

IPINAGTANGGOL ng social media personality na si Xian Gaza ang aktor na si Diego Loyzaga laban sa isyung ibinabato sa kanya ng ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco.

Matatandaang nagsalita ang model at yoga teacher at isiniwalat sa madlang pipol na pinalayas sila ng aktor sa bahay nito para sa isang babae.

Ngunit tila saliwat naman ang sinabi ni Alexis sa mga naging pahayag ni Xian sa kanyang Facebook post hinggil sa isyu ng dalawa.

In capital letters pa nga ang pahayag ng kilalang social media personality na tila inis sa pahayag ng ina ng anak ni Diego.

“ANO KAMO? PINALAYAS KAYO NI DIEGO SA BAHAY? PAANO KAYO PAPALAYASIN KUNG SIMULA’T SAPUL NA DUMATING KAYO NG PINAS EH NAKATIRA YUNG BATA SA BAHAY NG PARENTS MO?” panimula ni Xian.

Baka Bet Mo: Ina ng anak ni Diego Loyzaga lumantad na, pinalayas daw sa bahay ng aktor

@banderaphl BIGLANG naglantad sa publiko ang rumored partner at ina ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga! #DiegoLoyzaga #newsph #EntertainmentNewsPH #banderaphl #fyp #celebritynews ♬ original sound – Bandera

Pagpapatuloy pa niya, “SAAN NANGGALING YUNG NARRATIVE NA PINALAYAS KAYO EH WALA NAMAN SA PUDER NI DIEGO YUNG BATA HA?”

Chika pa ni Xian, mutual ang naging desisyon ng dalawa noong nakaraang Disyembre na simula January 1 ay titira na raw si Alexis sa bahay ng mga magulang niyo dahol toxic sila parehas.

“NAGKAROON KAYO NG MUTUAL DECISION LAST DECEMBER THAT STARTING JANUARY 1ST, TITIRA KA NA ULIT SA PARENTS MO TOGETHER WITH YOUR DAUGHTER DAHIL SOBRANG TOXIC NIYO NG DALAWA AND YOUR PARENTS STRONGLY SUPPORTS THIS DECISION.

“SO TELL ME, BAKIT MO SASABIHIN NA PINALAYAS NI DIEGO YUNG SARILI NIYANG ANAK PARA MAKAPAMBABAE KUNG EVER SINCE NUNG UMUWI KAYO NG PILIPINAS EH HINDI NAMAN PALA NAKATIRA KAY DIEGO YUNG BATA HA?” giit ni Xian kay Alexis.

Sinabi rin nitong nagbibigay naman daw ng financial support si Diego sa kanilang mag-ina at nahihiram rin daw nito ang anak sa mga magulang nito.

Baka Bet Mo: Xian Gaza: Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi kilala

Hirit pa ni Xian, “BAKIT MO SINISIRAAN SI DIEGO SA PUBLIKO AT PINAPALABAS NA WALANG KWENTA SIYANG AMA? WHY? WHAT’S THE MATTER? GOODS NA GOODS NAMAN ANG CO-PARENTING SETUP NIYO.

“NAHIHIRAM NI DIEGO YUNG BATA SA PARENTS MO FROM TIME TO TIME AT NAKAKAPAGBIGAY NG MAAYOS NA FINANCIAL SUPPORT. BAKIT BIGLANG GANUN ANG PRESS RELEASE MO OUT OF NOWHERE.”

Hindi raw alam ni Xian kung ano ang nasa isip ni Alexis pero sana raw ay huwag niyang siraan si Diego sa madla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I DON’T KNOW WHAT’S GOING ON INSIDE YOUR HEAD RIGHT NOW AT SINO BA NAMAN AKO PARA HUSGAHAN KA? ANG AKIN LANG, DON’T RUIN DIEGO’S NAME AND CAREER. HUWAG MO SIYANG SIRAAN. HUWAG MO SIYANG GAWAN NG KWENTO.”

Hiling naman ni Xian na sana ay matigil na ang isyu dahil ayaw niyang umabot sa puntong maglalabas siya ng “resibo”.

“AND I HOPE WE STOP THIS ISSUE FROM THIS POST. AYAW KO NG MAGLABAS PA NG KUNG ANU-ANONG PRUWEBA AT BAKA UMABOT PA TAYO SA MGA BAGAY NA HINDI NA DAPAT MALAMAN NG PUBLIKO.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending